• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinuri ang napakahalagang serbisyo sa bayan ng mga guro

PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga guro sa iba’t ibang panig ng bansa para sa kanilang “hindi matatawaran” at napakahalagang serbisyo sa bansa lalo na sa gitna ng nagpapatuloy na limited face-to-face classes. 

 

 

Sa naging mensahe ng Pangulo sa National Teachers’ Day, hinikayat ng Pangulo ang mga Filipino na kilalanin ang “sakripisyo” ng mga guro sa paghulma sa mga mag-aaral at ihanda ang mga ito na makamit ang kanilang mga pangarap.

 

 

“This is also a good opportunity to express our sincerest appreciation for their invaluable service to the nation as we safely reopen our schools and bring forth a new era of learning amidst the post-pandemic world,” wika ng Pangulo.

 

 

Inilarawan naman ng Chief Executive ang edukasyon bilang “the bedrock of every prosperous society”, citing how teachers served as “important drivers of our nation.”

 

 

“Today, we honor our dear educators across the country for ensuring our youth’s holistic development as they aspire to be agents of change within their respective communities and beyond,” aniya pa rin.

 

 

Kumpiyansa ang Pangulo na sa tulong ng mga guro, ang bansa ay “grow stronger with every Filipino becoming more capable of building a better future for all.”

 

 

“May this celebration not only inspire present teachers as they continue their efforts in shaping the lives of our young learners, but also motivate those whose dream is to be such agents of genuine unity and empowerment,” aniya pa rin.

 

 

Nauna rito, napaulat na ipinahayag ng Department of Education (DepEd) na makatatanggap ang mga guro ng P1,000 incentive bilang bahagi ng selebrasyon ng National Teachers’ Month.

 

 

Ito ang inanunsiyo ni DepEd spokesperson Atty. Michael Poa sa isang press conference ngayong Huwebes, kung saan gagawin nila ang nasa probisyon ng World Teacher’s Day Incentive Benefit (WTDIB) para sa mga kwalipikadong public school teachers.

 

 

“Yes po. We will continue with the P1,000 incentive para sa pagpupugay sa ating mga teachers,” saad ni Poa.

 

 

Ang National Teachers’ Month ay ipinagdiriwang mula Setyembre 5 hanggang ngayong araw, Oktubre 5. Ginanap naman ng ahensiya ang kick-off ceremony nitong Setyembre 6.

 

 

Sinabi rin ni Poa na ang DepEd ay magsasagawa ng programa para sa mga educators sa National Teachers’ Day na gagawin ngayong araw.

 

 

Sa ginanap na okasyon ng National Teachers’ Month nitong Martes, pinuri ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang mga guro sa kanilang mga sakripisyo at pagsisikap na makapagbigay ng edukasyon sa mga kabataan, kahit na ito aniya ay mapa-in-person o online.

 

 

Ayon kay VP Sara, bilib siya sa lakas at tatag ng mga puso ng mga guro habang nahahanap ng mga paraan para mai-deliver ang mga modules, tumulong na mag-facilitate sa mga community learning hubs, at magbigay ng karagdagang learning resources sa mga bata sa kabila ng mga hamon na kinakaharap ng sektor ng edukasyon dahil sa pandemya.(Daris Jose)

Other News
  • Pinay powerlifter sa Tokyo Paralympics nagpositibo sa COVID, coach ‘di na rin makakasama

    Labis labis ang pagkadismaya ng isa sa mga atleta ng Pilipinas na sasabak sa 2020 Tokyo Paralympics matapos na hindi matuloy dahil sa nahawa sa COVID-19.     Una rito kinumpirma ni Philippine Paralympic Committee (PPC) president Michael Barredo na dinapuan ng virus si Filipina powerlifter Achele Guion.     Dahil dito maging ang kanyang […]

  • Ilang bahagi ng Malakanyang, nagkaroon ng bagong bihis

    BAGONG  bihis na ang ilang bahagi ng Palasyo ng Malakanyang matapos na isailalim sa renovation o pagsasa-ayos makaraan ang 4 na dekada.     Sa mahigit na  6 na buwan sa puwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay nagawa ng administrasyon nito na bigyan ng bagong bihis ang Palasyo ng Malakanyang.     Sa ulat, […]

  • Sanya, tanggap na tanggap ni Marian bilang kapalit sa ‘First Yaya’

    WALANG problema kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera kung sino ang ipinalit sa kanya bilang katambal ni Gabby Concepcion sa una sana nilang team-up sa Kapuso rom-com series na First Yaya, dahil siya naman ang kusang nag-beg-off. Ginawa niya iyon dahil hindi nga niya kayang iwanan ang mga anak para lamang magtrabaho, lalo na sa […]