• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa GDP growth: Sumasalamin na ang mas maraming eco activity

WELCOME  kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang  7.6% gross domestic product growth (GDP) sa third quarter ng bansa.

 

 

Ang pigura ayon sa Pangulo ay mas mataas kumpara sa pagtatantya  ng gobyerno.

 

 

“That’s a very good news for us. That’s actually a little higher than our estimates of 6.5 to 7.5 (%) for the last quarter… so that makes sense though because the last piece of news we heard was the lowering of the unemployment rate and so that means there’s more economic activity and that’s reflected now in the growth,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang video message, Huwebes ng gabi.

 

 

Kasalukuyan ngayong nasa Phnom Penh, Cambodia si Pangulong Marcos para magpartisipa sa 40th at 41st ASEAN Summits and Related Summits.

 

 

Sa kabilang dako, sa naging pag-uulat ng  Philippine Statistics Authority (PSA), ang ekonomiya ng bansa ay  bumilis sa third quarter  ng taon.

 

 

“The economy as measured by gross domestic product (GDP) — the total value of goods and services produced in a specific period — grew by 7.6% during the July to September period, which is faster than the upwardly adjusted 7.5% GDP growth in the second quarter of 2022,” ayon sa ulat.

 

 

Maliban sa pinakabagong  GDP growth, sinabi ni Pangulong  Marcos na mayroon ding naitalang paglago sa sektor ng agrikultura.

 

 

Muling inulit nito ang ginagawa ng gobyerno na dalhin sa tamang direksyon ang ekonomiya sa gitna ng mga nasabing kaganapan.

 

 

“And even in agriculture, I’m very happy to say that there is a specific measure of the growth of the agriculture sector by 2.2% and so something… the economy is moving, what we have to deal with, again the shocks that are coming from abroad but within the Philippines, within our economy, I think we have made the right policy decisions,” lahad ni Pangulong Marcos.

 

 

“The Philippine government has been practicing a mix of interventions to alleviate the problems in the economy,” ayon sa Pangulo.

 

 

Binigyang diin nito na hindi naman lingid sa kaalaman ng gobyerno ang  inflation rate dahil sumasalamin ito sa “cost of living” ng mga tao.

 

 

“With those figures, with the lowering of the unemployment rate, very high growth rate, that we at least are headed in the right direction…” wika ni Pangulong  Marcos.

 

 

“Once again, we are always very conscious of the inflation rate because this reflects the cost of living of ordinary people. That is still of great concern to us.  But, we have created the jobs, we have started the growth and that will pull us out the debt situation that we are in,”  aniya pa rin.  (Daris Jose)

Other News
  • 3 prominenteng pangalan, pagpipilian ni PDu30 na kanyang ie-endorso sa bilang kanyang maging successor

    MAY tatlong prominenteng pangalan na ang pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kanyang magiging successor kapag ang kanyang anak na si Davao Mayor Sara Duterte at ang kanyang dating close aid na ngayon ay Senador Bong Go, ay hindi tatakbo sa 2022 presidential elections.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang “choice” ni […]

  • KIM, napa-OMG! nang mag-comment si SHARON na pumuri sa kahusayan nila ni JERALD

    NAPA-OMG! si Kim Molina nang bigyan pansin ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang naging reaksyon sa trending na trailer ng Revirginized na pinost ni Direk Darryl Yap na wala pang isang araw ay naka-5 million views na.     Sa FB post ni Kim, “OG!!!!! Madam Dorinaaa. Balutin mo po ako ng hiwaga ng iyong […]

  • Luzon grid isinailalim na sa red alert – NGCP

    ISINAILALIM ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid dahil sa pagpalya ng kuryente sa Luzon.     Dahil dito kaya pinasisilip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Energy (DOE) ang dahilan ng pagpalya ng power generation plants.     Inamin naman ng DOE na wala silang nakikitang problema sa […]