PBBM sa Japan: Wala akong alam na anumang seryosong pagtutol sa RAA military deal
- Published on November 23, 2024
- by @peoplesbalita
WALANG alam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may “any serious objections” sa ratipikasyon ng Reciprocal Access Agreement (RAA) ng Pilipinas sa Japan.
Nilapitan at binanggit kasi ni Matsuda Kenichi, charges d’affaires of the Embassy of Japan ang ‘pending agreements’ sa sidelines ng isang pagpupulong kasama ang Japan International Cooperation Agency (JICA) sa Palasyo ng Malakanyang.
“I don’t know [of] any serious objections,” ang sinabi ni Pangulong Marcos Jr. kay Matsuda.
Sa ulat, isang National democratic activist organization gaya ng Bagong Alyansang Makabayan ang hayagang tumututol sa naturang kasunduan. Sa katunayan, sinabi nito noong November 2023 na ang ilagay o puwesto ang Japanese troops at equipment nito sa Pilipinas para kontrahin ang Tsina “might actually do the opposite-justify even more military actions from China.”
Isinatinig din ng Makabayan bloc sa Kongreso ang pagsalungat sa kasunduan, sabay sabing “endangers our population [in exchange for] scraps of their military hardware.”
Subalit ang ratipikasyon ng mga tratado ay nangangailangan ng pagsang-ayon mula sa Senado at hindi lamang ng Kongreso, kung saan suportado ng mayorya si Pangulong Marcos.
“It’s just that when the budget is in deliberation, everything has to stop because otherwise, we will be [in] 2025 with no budget. It will be very difficult if that happens,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Matsuda.
“They will prioritize the budget and then take up all the other business afterwards,” dagdag na wika nito.
“The Philippines has been ramping up its engagements with security partners, including Japan, in the face of tension with China over the West Philippine Sea,” ayon sa ulat.
Maliban sa RAA, tinatrabaho na rin ng Maynila ang defense agreements kasama ang Paris at Berlin.
Matatandaang, Hulyo ng taong kasalukuyan ay pormal nang nilagdaan nina Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro at ni Japanese Foreign Minister Yoko Kamikawa ang RAA.
Ginanap sa loob ng Palasyo ng Malacañang ang paglagda sa RAA na sinaksihan mismo ni Pangulong Marcos, kasama si Department of Foreign Affairs Secretary Ernesto Manalo at Japan Defense Minister Kihara Minoru.
Sa ilalim ng naturang kasunduan, pahihintulutan na ang pag deploy ng Japanese forces para sa joint military exercises, at ang palitan ng drills.
Nabuo ang RAA sa inaugural ng Philippines-Japan Foreign and Defense Ministerial Meeting noong April 2022, sa Tokyo Japan. (Daris Jose)
-
Mga batang may comorbidities ilalagay sa A3 priority group – DOH
Maaaring isama na sa A3 vaccination priority group ng gobyerno ang mga batang may comorbidities. Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, kahit na hindi pa pinapayagan ang mga bata na mabakunahan laban sa COVID-19 ay puwedeng-puwede isama ang mga batang may sakit sa puso, baga at ilang mga may […]
-
Halaga ng government loan na magagamit para ipambili ng bakuna, aabot sa $1.3B
TINATAYANG aabot $1.3 billion dollar ng government loans ang magagamit ng gobyerno para maipambili ng COVID-19 vaccines. Sinabi ni Vaccine Czar sec. Carlito galvez, na sa kasalukuyan, malapit na ng ibayad ang halagang ito sa pharmaceutical company na Moderna. Malapit na kasing matapos ang negosasyon para sa pag-aangkat ng bansa ng Moderna vaccine […]
-
2 INDIBIDWAL, BARANGAY OFFICIAL ARESTADO NG NBI
DALAWANG indibidwal kasama ang isang opisyal ng barangay ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa ilegal na pagbebenta ng “iron wood” o “magkuno”. Kinilala ni NBI Director Eric Distor ang mga naaresto na sina Clyde Rey Balaan na isang barangay councilor at Elward Lomongan, residente ng Lianga,Surigao del Sur. […]