• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa Kongreso, aprubahan ang 2025 budget na may kaunting rebisyon

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga mambabatas na aprubahan ang executive-crafted National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2025 sa kanilang ” usual timely manner” at umaasa na mayroon lamang na kaunti hanggang sa walang rebisyon o pagwawasto.
“We look to the cooperation of our colleagues in the legislature, not only that our proposed national budget be approved in your usual timely manner, but it be adhered to as closely as possible,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa sa Quezon City, araw ng Lunes.
Tinuran ni Pangulong Marcos na ang 2025 NEP ay ” crafted with utmost care, diligence, and meticulous attention.”
Nakatakda namang magsumite ang Department of Budget and Management (DBM) ng 2025 NEP sa Kongreso sa Hulyo 29.
“We expect all agencies to ensure that every centavo allocated will be judiciously spent for our urgent priorities and socially impactful programs,” ang sinabi ng Chief Executive.
Ang executive-crafted NEP ay dadaan sa ilang buwan ng pagrerebisa at rebisyon ng mga mambabatas, una ay sa mga kongresista at pagkatapos ay sa mga senador.
Ang spending plan ang siyang magiging basehan ng Congress’ General Appropriations Bill, na isusumite naman sa Pangulo para aprubahan, kadalasan ay bago matapos ang fiscal year.
Samantala, ang 2025 national budget ay nakapako sa P6.35-trillion, kung saan 10.1% na mas mataas kaysa sa budget ng bansa ngayong taon. (Daris Jose)
Other News
  • Filipinas bumaba ang FIFA ranking

    Bumaba ang rankings ng Philippine women’s national football team.       Sa pinakahuling edisyon ng FIFA Women’s World Rankings ay nasa pang 41 na sila ngayon.     Noong nakaraang rankings ay nasa pang-39 ang world rankings ng FILIPINAS.     Isa sa mga naging malaking sanhi ng nasabing pagbaba nila ng rankings ay […]

  • FOR FANS BY FANS: LIFELONG “TEENAGE MUTANT NINJA TURTLES” FANS SETH ROGEN AND DIRECTOR JEFF ROWE TALK ABOUT THEIR VISION FOR “MUTANT MAYHEM”

    Teenage Mutant Ninja Turtles made a big impression on Seth Rogen at a very early age. “The animated series came out in 1987, when I was five. The first movie came out in 1990, when I was eight,” he says. “It was perfectly geared toward someone my age and I loved it. They were funny. They […]

  • Halos lahat ng stunts ay siya ang gumawa: JULIA, puwede na maging ‘action queen’ ayon kay SYLVIA

    PARA kay Sylvia Sanchez, si Julia Montes ang Action Queen dahil sa mga ginawa nitong stunts sa official entry ng Nathan Studios sa 2024 Metro Manila Film Festival na ‘Topakk’.“Five percent lang sa movie na gumamit siya ng stunt double. 95 percent siya lahat.     Makikita mo siyang nakalambitin sa ere. Ang tapang niya […]