PBBM sa PCSO: Mag-donate ng 2 patient transport vehicles sa bawat LGU
- Published on November 1, 2024
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na tuparin ang pangako nito na mag-donate ng dalawang patient transport vehicles (PTVs) sa bawat local government unit (LGU) sa buong bansa.
Ginamit ni Pangulong Marcos ang isinagawang seremonya ng pag-turnover ng 90 PTVs sa LGUs sa Quirino Grandstand sa Lungsod ng Maynila para manawagan sa PCSO.
Kumpiyansa naman ang Pangulo sa kakayahan ng PCSO na mabibigyan ng dalawang sasakyan ang bawat munisipalidad.
“Kaya’t magpasalamat tayo sa PCSO sa kanilang patuloy na trabaho para sa pag-deliver ng mga emergency vehicle at ipagpatuloy natin itong programang ito,” aniya pa rin.
“Sana pagka-tuluy-tuloy itong programa na ito ay hindi lang 100 percent ang mabubuo natin. Ipinagmamalaki ng PCSO, kaya daw nilang mag-deliver ng tigalawa. Kaya’t gagawin daw nating 200 percent. Kaya nasabi na ‘yan kaya’t pangako na ‘yan. Hindi na natin puwedeng [bawiin]. Kailangan matupad ‘yan. Mapapahiya ako rito,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Bilang bahagi ng Medical Transport Vehicle Donation Program ng PCSO, nag-donate ang PCSO ng 90 PTVs sa mga alkalde mula lalawigan ng Cebu, Bohol, Negros Occidental, at Northern Samar.
Natapat naman ang naturang event sa 90th anniversary ng PCSO at tanda ng unang paggunita ng National Day of Charity, itinatag sa pamamagitan ng Proclamation 598 na nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. noong June 13, 2024.
Nanawagan naman ang Chief Executive sa mga LGU beneficiary na alagaang mabuti ang PTVs, sabay sabing ang dinonate na emergency vehicles ay ‘good model’ at madaling gamitin.
“Ang maganda rito sa pagpili naming ng modelong ito, madaming piyesa ito, madaling ayusin. Kahit saan, makakahanap kayo. Kahit sinong mekaniko, kayang ayusin itong mga emergency vehicle na ito. Kahit saan madaling makahanap ng piyesa,” aniya pa rin.
Sa ilalim ng programa, layon ng PCSO na ihatid ang Type II Advanced Life Support Ambulances, PTVs, at Sea Ambulances, partikular sa mga ‘underserved regions’ sa bansa.
Ang PCSO, bilang pangunahing charitable agency ng bansa, nag-donate ng PTVs para palakasin ang healthcare access sa remote at underserved communities sa pamamagitan ng pagbibigay ng mabilis na pagtugon at episyenteng patient transport sa panahon ng emergency. (Daris Jose)
-
Ads February 8, 2023
-
Gilas 3×3 todo ensayo na!
Doble-kayod na ang Gilas Pilipinas 3×3 bago tumulak patungong Graz, Austria para sa FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa Mayo 29 hanggang 30. Ayon kay Gilas 3×3 head coach Ronnie Magsanoc, sumasalang sa dalawang ensayo kada araw ang kanyang bataan dahil ngayon lamang nakumpleto ang tropa. “In terms of effort, I […]
-
PBBM, ipinag-utos ang pagkumpleto sa water-related projects sa April 2024
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipinag-utos niya sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na kompletuhin ang water-related projects sa April 2024 bilang paghahanda para sa epekto ng El Niño phenomenon. Sa isinagawang ina inagurasyon ng Balbalungao Small Reservoir Irrigation Project (BSRIP) sa Lupao, Nueva Ecija, winika ng Pangulo ang pamgangailangan […]