• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa TYPHOON-WEARY PINOYS: Handa ang gobyerno para sa bagyong ‘NIKA’, iba pang bagyo

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga typhoon-weary Filipino na ‘fully mobilized’ ang local at national government para protektahan ang kanilang kaligtasan at kapakanan.

 

Sa sidelines ng Seatrade Cruise (STC) Asia 2024 Welcome Reception sa Parañaque City, Lunes ng gabi, sinabi ni Pangulong Marcos na ang government response teams ay ‘on the ground’, nililinis ang mga kalsada at naghahanda para maghatid ng tulong sa mas higit na kinakailangan.

 

“Kahit na may bagyo, kahit na malakas ang hangin nasa labas sila dahil kaya pa naman. Kaya pa naman daw. They can still work to clear trees that fell. ‘Yung mga poste na nahulog para may daanan ang mga relief goods natin,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

Sinabi pa nito na ang gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at iba pang ahensiya ng pamahalaan ay naka-monitor sa Severe Tropical Storm Nika, na humina subalit patuloy na nakaaapekto sa Ilocos Sur at kalapit lugar nito.

 

“The government has prepositioned equipment and relief supplies, ready to respond as soon as conditions allow,” ang winika ni Pangulong Marcos sabay sabing “We are now monitoring what’s happening.”

 

“We’ve done the usual standard procedure where we have sent, prepositioned our equipment and our relief goods. And we will just have to see where the areas are that will be particularly hit,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na ang lahat ng kaugnay na ahensiya “continue to prepare” para sa dalawang iba pang inaasahang bagyo, inihahanda ang lahat ng remedyo upang tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga Filipino.

 

Tinitingnan din ng gobyerno ayon sa Pangulo ang mga pinsala sanhi ng mga bagyo upang masiguro ang kagya’t na tulong.

 

Nanawagan naman ang Chief Executive sa mga mamamayang Filipino na makinig sa LGUs.

 

“As soon as the government can come in, we will come in. Your local government is there – is ready to be the first responders as they always are and the national government will come in as soon as we can,” he said.

 

“In fact, we’re already there and they’re just waiting for the storm to allow them to get to work,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • 16 NBA players panibagong nahawa sa COVID-19

    Kinumpirma ngayon ng NBA na umaabot sa 16 na players ang panibagong nahawa sa COVID-19.   Tumanggi naman ang NBA na ibulgar ang mga pangalan ng naturang mga players.   Ang nasabing bilang ay nanggaling umano sa 497 players na isinailalim sa COVID-19 mula Jan. 6.   Tiniyak naman ng liga na maging ang mga […]

  • Yorme Isko, pananagutin ang Mga lokal na opisyal na lumalabag sa quarantine protocols

    PATULOY na pananagutin ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga lokal na opisyal na hayagang lumalabag sa quarantine protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sa katunayan, ayon kay Mayor Isko Moreno ay may barangay chairman na inakusahan na sangkot sa illegal cockfighting sa Tondo at may ilang barangay officials naman ang nahuli na nag-iinuman […]

  • Nagustuhan niya ang pagiging totoo ng aktres: MARIAN, inihalintulad ni CHRISTIAN kay KIRAY

    NAKAKAALIW ang interview ni Nelson Canlas kay Christian Antolin, ang content creator na aktor na ngayon na alaga ng kaibigan naming si Rams David ng Artist Circle Management.     Nasa cast ng ‘My Guardian Alien’ si Christian at sa ‘Updated with Nelson Canlas’ podcast ay nagkuwento si Christian, na gumaganap bilang si Sputnik sa […]