• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, sinaksihan ang Balikatan 2023 Live-Fire Sea Drills sa Zambales

PERSONAL na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Marcos ang live-fire sea drills  ng Pilipinas at armed forces ng Estados Unidos sa Zambales bilang bahagi ng kanilang Balikatan Exercise. 
Habang isinasagawa ang drills na may  2.8 kilometers mula sa Naval Education Training Doctrine Command (NETDC) sa San Antonio, Zambales,  nagpartisipa ang U.S. at Philippine combat units sa combined joint littoral live-fire exercise, nagtapos  sa  field training event para sa Balikatan 2023.
Tinatayang may  1,400 Marines, soldiers, sailors, airmen at Coast Guardsmen mula sa dalawang bansa ang sumali sa Combined Joint Littoral Live Fire Exercise (CJLLFX), kung saan may kaugnayan sa “detecting, identifying, targeting and engaging a target ship” gamit ang iba’t ibang  ground at air-based weapons systems.
“The exercise featured U.S. and Philippine weapons platforms delivering coordinated fires on a target ship, a decommissioned Philippine Navy corvette towed into Philippine territorial waters,” ayon sa kalatas ng Malakanyang.
Ang  bilateral weapons systems  na ginamit sa  war games ay binubuo ng U.S. at Philippine artillery, High-Mobility Artillery Rocket Systems (HIMARS) at Avenger air defense systems.
“State-of-the-art combat aircrafts were also mobilized including AH-64 Apache attack helicopters, Philippine Air Force FA-50 Golden Eagle fighter-attack aircraft, F-16 Fighting Falcons, U.S. Marine F-35B Joint Strike Fighters, and the U.S. Air Force Special Operations Command AC- 130 Spectre gunship,” ayon pa rin sa Malakanyang.
“One of the most anticipated weapons from the U.S. arsenal was the HIMARS, a full-spectrum, combat-proven, all-weather, 24/7, lethal and responsive, wheeled precision strike weapons system,” dagdag na pahayag nito.
Ang HIMARS ay isang “C-130 air transportable wheeled launcher mounted on a 5-ton Family of Medium Tactical Vehicles XM1140A1 truck chassis organic/assigned to Field Artillery Brigades.”
Itinatag para suportahan ang expeditionary, lethal, survivable at tactically mobile force, ang HIMARS ay may bitbit na isang launch pod  naglalaman ng anim na  Guided MLRS (GMLRS)/MLRS rockets o kaya naman ay isang Army Tactical Missile System (ATACMS) missile.
Habang isinasagawa ang littoral live-fire event, isang  U.S. Marine Corps command and control at sensor network ang pinagana ang iba’t ibang firing platforms para madama ang kanilang  target, i-develop ang  firing solutions at makapag- deliver ng tumpak na integrated fires laban sa target vessel.
Ayon sa  Filipino at  American military officials, ang training event kumakatawan sa isang tangible demonstration ng  U.S.-Philippine commitment ay naglalayong  palakasin ang military capabilities at interoperability para makamit ang shared modern-day security challenges.
Ang Balikatan, isang Tagalog term na nangangahulugan na “shoulder-to-shoulder” o “sharing the load together,” ay  largest annual exercise sa pagitan ng dalawang magkaalyadong bansa at 2023 ay tanda ng 38th iteration at largest iteration sa ngayon.
“It provides an opportunity for the two armed forces to enhance cooperation, increase capabilities and improve interoperability in conflict situation and disaster response,” ayon sa Malakanyang.
“A focus point in Balikatan 2023 was bilateral integration of command and control, sensors and multi-domain fires,” ayon pa rin sa Malakanyang.
Sa kabilang dako, may  17,600 participants ang nakiisa sa  “exercise, developing interoperability and enhancing bilateral capabilities in the areas of maritime security, amphibious operations, live-fire training, urban and aviation operations, cyber defense, counterterrorism, and humanitarian assistance and disaster relief preparedness.”
Kabilang naman sa mga opisyal ng Pilipinas na dumalo sa nasabing drills ay sina  AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino, National Security Adviser Eduardo Año, Zambales 2nd District Rep. Doris Maniquiz at Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr.
Para naman sa panig ng Estados Unidos, ang mga dumalo ay sina Ambassador of the US to the Philippines MaryKay Carlson, US Deputy Assistant Secretary of Defense for South and Southeast Asia Lindsey Ford, at US Exercise Director Lt. Gen. William Jurney.
Ang Pilipinas ang pinakamahalagang U.S. ally at pinakamalaking recipient ng U.S. military assistance, equipment, at training sa rehiyon.
Matatandaang, nilagdaan ang  U.S.-Philippines Mutual Defense Treaty  noong  1951 at itinuturing na  America’s longest standing defense treaty sa  Indo-Pacific region.  (Daris Jose)
Other News
  • Sabete bumalik sa PSL, Sta. Lucia Lady Realtors

    BALIK sa Sta. Lucia makalipas ang tatlong taon si Jonah Sabete, habang kinuha rin ng koponan ang serbisyo ng mga beteranang sina Maricar ‘Kai’ Nepomuceno-Baloaloa at Jovy Prado, base sa pahayag ng prangkisang Robles nitong Linggo.     Pinakilala sa isang video clip ng Lady Realtors ang tatlong bagong kuhang ace players para ayudahan ang […]

  • DTI bantay sarado sa ‘price freeze’ sa mga lugar na nasa state of calamity

    MAHIGPIT na binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga presyo ng basic necessities na naka “price freeze” bunsod ng deklarasyon ng state of calamity sa Metro Manila at Batangas.         “In view of the Metro Manila Council (MMC) and the Department of the Interior and Local Government’s (DILG) declaration […]

  • The Ringing of Horrors Of The Late 70s Comes Alive In “The Black Phone”

    THE ringing horrors of the late 70s come alive in the terrifying coming-of-age movie “The Black Phone” starring Ethan Hawke, Mason Thames and Madeleine McGraw.     Based on the award-winning short story by (legendary horror author) Stephen King’s son, Joe Hill from his New York Times bestseller 20th Century Ghosts, The Black Phone follows […]