PBBM, suportado ang pagkakaloob ng nomad visas para palakasin ang turismo ng Pinas
- Published on July 8, 2024
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang masusing pag-aaral para sa posibleng pagkakaloob ng “nomad” visas para makahikayat ng long-stay tourists sa Pilipinas at makatulong na mapalakas ang sektor ng turismo.
Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos na makipagpulong sa Private Sector Advisory Council for Tourism (PSAC-Tourism) sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Miyerkules, Hulyo 3.
Sa nasabing pagpupulong, tinukoy ni PSAC-Tourism member LT Group president at CEO Lucio Tan III ang pangangailangan para sa Pilipinas na sumunod sa Southeast Asian neighbors at magpalabas ng nomad visas o kahalintulad na remote work visas para makahikayat ng long-term foreign visitors, partikular na ang mga freelancers.
Pinapayagan ng Nomad visas ang mga indibiduwal na tumira at magtrabaho sa labas ng kanilang ‘home country’ habang nagtatrabaho doon.
“We need to issue nomad visas quickly to attract long-stay tourists. Other countries like Thailand, Malaysia, and Indonesia are already benefiting from this approach,” ayon kay Tan.
Inirekomenda ng PSAC-Tourism na magpalabas si Pangulong Marcos ng isang Executive Order (EO) para agad na ipatupad ang nomad visas ng walang tax incentives, na maaari namang idagdag sa oras na maipasa na ang batas.
Bilang tugon, nagpahayag naman ng kanyang pagsuporta si Pangulong Marcos sa naturang interim solution at inatasan ang Office of the Executive Secretary na agad na mag- draft ng EO at pumili ng pilot country para sa inisyatiba.
Ang Ilan sa Asian countries na nagkakaloob na ng digital nomad visas o kahalintulad na remote work visas para sa kwalipikadong Filipino ay ang:
Malaysia (tatlo hanggang 12 buwan, renewable para sa karagdagang taon)
South Korea (isang taon)
Taiwan (pinapayagan naman ang Gold Card ang digital nomads na pumasok at lumabas ng Taiwan para sa isa hanggang tatlong taon)
Thailand (limang taon na may 180-day stay period)
United Arab Emirates (isang taon)
Samantala, tinukoy naman ni Pangulong Marcos ang papel ng pribadong sektor para palakasin ang sektor ng turismo ng Pilipinas lalo na sa pamamagitan ng pabilisin ang industry-specific training programs ng mga indibiduwal na may kasanayan para sa agarang trabaho sa tourism-related jobs.
Sa naturang pulong pa rin, tinukoy ni Filinvest Development Corporation President at CEO Joji Gotianun Yap ang pangangailangan na magtatag ng malaking bilang ng tourism workers na may Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) certifications.
“Eighty percent of our tourism workforce holds TESDA certifications. We should build on this by further increasing these certifications, with the private sector identifying the specific skills required,” ayon pa rin kay Yap.
Para naman kay Pangulong Marcos, binigyang -diin nito ang papel ng industriya sa paghubog sa mga pagsisikap sa pagsasanay.
“The private sector should guide us on the exact skills needed,” ang sinabi pa rin ni Yap.
Dinetalye naman ni Chairman Popoy de Vera ng Commission on Higher Education (CHED) ang strategic approach sa turismo at hospitality education.
“We have numerous institutions offering four-year degrees in Tourism and Hospitality Management. By allowing top schools to run these programs, we ensure quality and meet current needs,” ayon kay de Vera.
“TESDA certifications can now be credited towards these degrees, providing students with a flexible pathway,” ang sinabi pa ni De Vera.
Sa kabilang dako, binigyang-diin naman ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng short-term courses, sabay sabing ito’y “enable people to get jobs quickly.”
“Well-trained individuals are rapidly employed,” aniya pa rin.
Samantala, kumpiyansa naman ang PSAC-Tourism na ang mga nabanggit na inisyatiba ang magpo-posisyon sa Pilipinas bilang “prime destination for tourists, enhance the quality of its tourism workforce, at drive economic growth.” (Daris Jose)
-
MMDA: Implementasyon ng Single Ticketing system matagumpay
ANG PILOT run ng single ticketing system para sa mga traffic violations sa Metro Manila ay naging matagumpay ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). “The first three days of the single ticketing system’s implementation, which started on May 2 in Muntinlupa, San Juan, Valenzuela, Paranaque and Quezon City had been generally successful,” […]
-
4 wildlife traders nalambat ng Maritime Police sa entrapment operations
APAT na umano’y wildlife traders ang natimbog ng mga tauhan ng Maritime police sa magkakahiwalay na entrapment operations na may kaugnayan sa ‘All Hands Full Ahead’ sa iba’t-ibang lugar sa National Capital Region at Bulacan, Ayon kay Northern NCR Maritime Police Station chief PMAJ John Stephanie Gammad, dakong alas-11:56 ng umaga noong March […]
-
Imbestigasyon sa mga hindi nagamit na malapit ng mag-expire na COVID-19 vaccines, nagpapatuloy –Nograles
PATULOY na nagsasagawa ng fact-finding investigation ang National Vaccination Operations Center (NVOC) kaugnay sa ilang COVID-19 vaccines na ipinamahagi sa ilang local government units na malapit ng mag-expire subalit hindi naiturok sa katatapos lamang na isinagawang vaccination drive Bayanihan, Bakunahan. “We’re still doing a fact-finding investigation. Wala pa kaming [we still don’t have a] […]