• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, target na makapagpatayo ng karagdagang 179 specialty centers bago matapos ang termino

TARGET ng gobyerno ng Marcos na makapagpatayo ng karagdagang 179 medical specialty centers bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

 

 

Sa nasabing bilang, 7 rito ay ilalaan para sa lung care centers sa pamamagitan ng Regional Specialty Center Act.

 

 

“By 2028, we aim to establish an additional 179 specialty centers, seven of which are dedicated as  lung care centers,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa paglulunsad ng kauna-unahang human lung transplant ng Lung Center of the Philippines (LCP) at National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

 

 

Winika ng Pangulo na nakapagtayo na ang gobyerno ng 131 functional specialty centers sa buong bansa, kung saan ay 9 ang itinalaga bilang lung specialty centers na naglalayong dalhin ang “lung care” malapit sa mga Filipino partikular na sa rural areas.

 

 

Upang iangat ang pamumuhay ng Filipino healthcare workers at palakasin ang kanilang kaalaman at kasanayan, patuloy na magsasagawa ang gobyerno ng pagsasanay para sa mga doktor sa pamamagitan ng “Doctors to the Barrios Program” lalo pa’t “their development is critical to the realization of universal healthcare”.

 

 

Kapwa naman ipinatutupad ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Health (DOH) ang pinalawak na nursing education program na naglalayong tugunan ang kakapusan ng mga nurse habang tinitiyak naman ang kanilang “future supply.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa nasabing paglulunsad, pinuri ng Punong Ehekutibo ang mga healthcare workers para sa kanilang hindi matatawarang commitment sa healthcare system, ang mga mamamayang Filipino at sa bansa lalo na noong mga panahon ng pagsubok nang bigwasan ng COVID-19 pandemic ang bansa.

 

 

“Nais naming ipaabot ang aming taus-pusong pasasalamat dahil sa inyong katapangan, your gallant acts do not fade with time, then gratitude has no expiry date either,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Samantala, si Pangulong Marcos ang panauhing pandangal sa isinagawang paglulunsad ng LCP at NKTI lung transplant program sa Quezon City, araw ng Martes kung saan pinangunahan din niya ang ribbon cutting ceremony at binisita ang photo exhibit ng event na nagpapakita ng “milestone” ng LCP.   (Daris Jose)

Other News
  • Pharmally officials, ‘di bibigyan ng special treatment sa Pasay jail – BJMP

    Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na walang magiging special treatment sa mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na sina director Linconn Ong at corporate secretary na si Mohit Dargani.     Ayon kay BJMP spokesman J/Chief Insp. Xavier Solda, ituturing pa rin nilang karaniwang bilanggo ang mga ito.     Gayunman, […]

  • PAGBABAKUNA SA ILANG CHINESE NATIOANL SA PASAY, IIMBESTIGAHAN

    MAGSASAGAWA  ng imbestigasyon ang Department of Health (DOH) sa ulat na ilang Chinese nationals ang nabakunahan ng COVID-19 vaccines sa bansa.     Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi aniya malinaw kung ano ang naging batayan kaya naman kanila nang pinaiimbestigahan ang nasabing ulat.     Sinabi kasi ng pamahalaang lokal ng Pasay  […]

  • ANDREA, nakabibilib sa pag-handle ng break-up at pag-move on kay DEREK na mabilis na nakahanap ng kapalit

    HINDI biro ang naging investment ng Kapuso actress na si Andrea Torres sa relasyon nila ni Derek Ramsay hanggang biglang umamin ang huli na break na nga sila.     And months after, may nahanap na agad na kapalit ni Andrea ang actor, na as we all know, ang ina ng anak ni John Lloyd […]