• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, target palakasin ang food security at fishery sector ng bansa

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sectoral meeting kasama ang Department of Agriculture – Philippines at National Irrigation Administration upang talakayin ang suplay ng bigas sa bansa ngayong taon.

 

 

Ibinahagi ng DA ang mga hakbang na gagawin ng pamahalaan para sa sapat na suplay ng mga produkto tulad ng bigas, mais, asukal, isda, at karne ng manok at baboy.

 

 

Ipinag-utos din ng Pangulo sa NIA ang pagsisiguro sa implementasyon ng mga plano at masinop na paggamit ng pondo upang maiayos ang sistema ng irigasyon sa halos tatlong milyon na ektarya ng lupang sakahan sa bansa.

 

 

Sa nasabing pulong ipinunto ng Pangulo na nais nito ang detalyadong iskedyul ng pagtatanim ng mga panamin para maiwasan na mag import ng mga produkto sa panahon ng harvest season.

 

 

Sinabi ng Pangulo dapat lamang ikunsidera ng gobyerno ang sensitivities ng local cropping partikular na ang kanilang cyclical nature kapag nag-sourcing ng mga produkto sa ibang bansa.

 

 

Bilang tugon sa climate change, kailangan ng mga magsasaka na ilipat ang kanilang planting schedule sa ilang lugar sa bansa.

 

 

Noong nakaraang taon mababa ang performance ng agriculture, forestry at fisheries sectos na nasa 0.5 percent.

 

 

Ang katamtamang paglago ay naiugnay sa positibong Gross Value Added (GVA) ang paglago ng 2.3 porsiyento sa mga baka at 6.7 porsiyento sa manok.

 

 

Sa ilalim ng Philippine Development Plan ng administrasyong Marcos, target ng DA ang growth rate na 1.8 porsiyento hanggang 3.3 porsiyento sa sektor ng agrikultura mula 2023 hanggang 2028.

 

 

Samantala, sinimulan na ng pamahalaan na bumalangkas ng mga plano para mapabuti ang sektor ng pangisdaan sa bansa.

 

 

Ito’y matapos inatasan ng Pangulo ang iba’t ibang ahensya na bumuo ng mga kinakailangang imprastraktura at pasilidad para palakasin pa ang fishery sector ng bansa.

 

 

Bukod sa pagtatanim, tinalakay din sa pulong ang mga hakbang na gagawin para tugunan ang krisis sa produksyon ng palaisdaan matapos harapin ang suplay ng bigas at hayop.

 

 

Kabilang sa mga interbensyon ng DA na naglalayong pahusayin ang produksyon ng mga pangunahing bilihin sa agrikultura ay ang rehabilitasyon at modernisasyon ng mga fish port complex, gayundin ang pagpapatupad ng agricultural at fishery machinery and equipment service center.

 

 

Batay sa 2023 Demand and Supply Outlook para sa Basic Commodities, ang 3.55 milyong metrikong toneladang demand ng isda sa bansa ay lumampas sa suplay sa 2.97 milyong metriko tonelada.

 

 

Mayroon itong 2.88 million metric tons na inaasahang para sa local production na may imports na 0.04 million metric tons. (Daris Jose)

Other News
  • Bilang ng mga Pinoy na target mabakunahan ng aangkating Covid-19 vaccine, sapat na upang makamit ang herd immunity- Malakanyang

    TIWALA  ang Malakanyang na maaabot ng gobyerno ang tinatawag na herd immunity sa gitna ng target na makapagbakuna ng  hanggang 60 milyong mga filipino.   Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson  Harry Roque kasunod ng naging pahayag ni Dr Tony Leachon na para maabot ang herd immunity ay kailangang 60 hanggang 70 porsiyento ng populasyon […]

  • TBA Studios Brings Singaporean-South Korean Film “Ajoomma” To PH Cinemas

    TBA Studios is bringing the lighthearted family drama Ajoomma to the Philippines and opens in cinemas on March 15.     Singaporean filmmaker He Shuming’s feature debut film, Ajoomma, tells the story of a middle-aged, Korean-drama-obsessed widow from Singapore who travels out of the country for the first time to Seoul, and ends up getting […]

  • DATING PULIS, INARESTO NG NBI

    ISANG  dating pulis ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y pangongolekta ng pera  gamit ang pangalan ni retired PNP Chief General Camilo Cascolan.   Nabatid na mismong si Cascolan ang naging tulay upang maaresto ang suspek sa pamanagitan ng entrapment operation.   Matatandaan na nagbabala noon si Cascolan […]