• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM tiniyak may sapat na suplay ng bigas sa kabila ng nararanasang El Niño

TINIYAK  ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na mayroong sapat na suplay ng bigas ang bansa sa kabila ng nararanasang El Nino o tagtuyot.

 

 

Sinabi ng Pangulo na walang dapat i-pangamba ang publiko na kapusin ang suplay ng bigas at mga pagkain.

 

 

Sa ambush interview sa Occidental Mindoro, sinabi ni Pang. Marcos na sa katunayan ay tumaas pa ang ani sa mga lugar na mayroong patubig.

 

 

Resulta aniya ito ng bagong farming techniques at pinahusay na irrigation system.

 

 

“Well, kung ang pag-uusapan natin ay bigas, sapat naman ang ating supply. Hindi kailangang mag-alala ang tao. Sa katotohanan, ‘yung mga area na may patubig, tumaas pa ‘yung ating naging ani, ‘yung tons per hectare natin,” pahayag ni Pang. Marcos.

 

 

Pero aminado ang Pangulo na sadyang maraming sakahan ang apektado ng tagtuyot, bagay na ginagawan na ng paraan ng gobyerno.

 

 

Sa pagtungo ng Pangulo sa Occidental Mindoro, personal nitong ininspeksyon ang pinsala ng matinding tagtuyot sa mga sakahan.

 

 

“Pero siyempre, marami pa. Kagaya dito, siguro mga 50 porsyento lamang ang irrigated at so, ‘yung iba talagang nahihirapan. Dito sa Occidental Mindoro, ang calculation namin, one percent lamang nung mga irrigated lands ang naapektuhan ng El Niño na talagang kailangan ng tulong,” dagdag pa ng Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Other News
  • DOTr: Di na papayagan ang karagdagang motorcycle taxis sa MM

    HINDI na papayagan ang pagkakaroon ng karagdagang motorcycle taxis sa Metro Manila dahil sa pagkakaroon ng negative impact sa lumalalang pagsisikip ng trapiko lalo na kung daragdagan pa ang mga bilang nito.     Kamakailan lamang ay naglabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may 2,000 slots pa ang ibibigay sa bawat […]

  • HEART, inamin na totoong nag-audition para isang role sa ‘Crazy Rich Asians’

    KAPUSO actress at Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista, said in an interview with dermatologist Aivee Teo, na totoong nag-audition siya for the role of Arminta Lee sa Crazy Rich Asians noong nasa last leg na ito ng auditions. \        “I auditioned here in the Philippines, and I remember I got a crew, […]

  • Panukala para sa madaliang pagbili ng bakuna aprubado sa Komite

    Sa paghahangad ng mabilis na pagsugpo at pagpapahinto ng pagkalat ng virus mula sa COVID-19, na siyang dahilan ng pagkakalugmok ng ekonomiya ng bansa, at tumataas na bilang ng mga nasasawi na mga Pilipino, inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang House Bill 8648 at HB 8649 o ang “Emergency Vaccine Procurement Act of 2021.  […]