HEART, inamin na totoong nag-audition para isang role sa ‘Crazy Rich Asians’
- Published on February 22, 2021
- by @peoplesbalita
KAPUSO actress at Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista, said in an interview with dermatologist Aivee Teo, na totoong nag-audition siya for the role of Arminta Lee sa Crazy Rich Asians noong nasa last leg na ito ng auditions.
\
“I auditioned here in the Philippines, and I remember I got a crew, and I did a scene, like a real scene from a telenovela,” sabi ni Heart.
“After submitting my entry, I received more than 10 missed calls from an agent based in Los Angeles. Nang masagot ko tanong niya: ‘How come you’re not answering your phone? Your presentation paused in the middle of the showing.’ They’re willing to take a break if you could send an email for that so they could continue watching the audition.
“Sabi ko, ‘grabe naman!’ And then, they asked if I was available to shoot so sagot ko, ‘siyempre, of course.’ But then, they never called me back.”
Hindi man daw niya nakuha ang part, grateful pa rin siya sa opportunities na natanggap niya, at naging new friend niya ang author ng Crazy Rich Asians na si Kevin Kwan.
Sa movie, si Araminta Lee ay ginampanan ni Sonoya Mizuno, isang celebrated fashion icon ng Singapore, at heiress ng Lee’s Billionaire Hotel Chain.
Kung nakuha pala ni Heart ang role, bagay na bagay sa kanya dahil isa nga rin siyang fashion icon.
***
“MAGKAPATID” na ngayong maituturing ang mag-sweetheart na Bianca Umali at Ruru Madrid, dahil isa na palang binyagan ng Iglesia ni Cristo (INC) ang actress.
Dati na palang gusto talaga ni Bianca na sumapi sa INC at naging tulay nga si Ruru para matupad iyon. Bininyagan si Bianca noong December 23, 2020.
Kabilang na ngayon si Bianca sa maraming artista at TV personalities na members ng INC.
Sa kasalukuyan ay tinatapos ni Bianca ang lock-in taping nila ng Legal Wives na malapit nang mapanood sa GMA Primetime block, kasama sina Dennis Trillo, Alice Dixson at Andrea Torres sa direksyon ni Zig Dulay.
Si Ruru naman ay kasalukuyang naghahanda sa lock-in taping ng “Lolong,” kasama sina Shaira Diaz at Arra San Agustin, matapos ang kanilang physical training.
***
TULUY-TULOY pa rin ang mas magagandang pagbabago sa GMA Network ngayong 2021.
Bukod sa sunud-sunod ang mga bagong programang ipinakikilala nito ay inaabangan na rin ang malaking pagbabago sa isa pa nitong free-to-air channel na GMA News TV simula sa Lunes, February 22.
Ayon sa teaser na ipinalalabas na ng network, ipinasilip na rin nila ang bagong logo nito, “A big change is about to happen and it’s gonna be good.”
Hindi kataka-taka na may “big change” dahil simula pa lamang ng taon, may mga malalaki na silang ini-launch na programa, tulad ng fantasy-romance series na The Lost Recipe na simula pa lamang ay pumatok na sa mga viewers.
Nasundan na ito ng romance fantasy anthology na My Fantastic Pag-ibig na hit sa mga young at young-at-heart. At nariyan na rin ang original comedy game show na Game of the Gens, na target din ay ang mga manonood from various generations.
Mapapanood na rin dito ang mga inaantabayanang newscasts, documentaries at lifestyle shows, very soon. (NORA V. CALDERON)
-
Nakumbinsi ni dating PRRD na tumakbong senador: Atty. RAUL, balik sa pagpo-produce ng movie na pagbibidahan ni Sen. ROBIN
BINAHAGI ni Atty. Raul Lambino, dating producer at kumakandidato ngayon na senador sa May 2025 mid-term elections tungkol sa planong i-remake ang “Hari sa Hari, Lahi sa Lahi.” Historical movie pala ito na pinagbidahan noon nina Vic Vargas at Wang Hsing Gang. Ang pelikula ay umiikot sa magandang pagkakaibigan nina Pahala at Zhu Di na […]
-
Mga bagong botanteng nagparehistro, halos 8M na– Comelec
Patuloy ang paghimok ng Commission on Elections (Comelec) sa mga nais bumoto sa 2022 national at local elections na samantalahin na ang huling tatlong linggo ng Oktubre para magparehistro. Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, kasunod na rin ito ng pagpapalawig sa voter registration na magtatapos na sana noong Setyembre 30. […]
-
Ngayong Chinese New Year: “Pursue grand ambitions not only for ourselves but for the greater good”-PBBM
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Filipino-Chinese community na ituloy lamang ang kanilang “grand ambitions” hindi lamang sa sarili kundi para sa mas ikabubuti ng lahat. Nakiisa kasi ang Pangulo sa Filipino-Chinese community, araw ng Miyerkules, sa pagdiriwang ng mga ito ng Chinese New Year, Isang maningning na pang-kultural na na sumisimbolo sa […]