PBBM, tiniyak sa publiko ang tuloy-tuloy na suplay ng basic goods sa ‘KADIWA’ OUTLETS
- Published on April 21, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko ang tuloy-tuloy na suplay ng mga produkto na itinitinda sa “Kadiwa ng Pangulo” outlets.
Nangako kasi ang Pangulo na gagayahin niya ang inisyatiba sa iba’t ibang bahagi ng bansa para tulungan ang mga Filipino consumers na mabigyan ang mga ito ng mga “affordable products.”
“Kaya’t tinitiyak namin na magkaroon ng magandang supply sa susunod. Hindi na natin kailangan alalahanin na mauubos,” ayon sa Pangulo sa isinagawang paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo sa San Jose del Monte, Bulacan.
“Pero siyempre pagka nakakapagbili tayo ng bigas na 25 pesos, makabili ng asukal ng below 80 pesos, eh talaga namang dadagsain ‘yan. Eh ‘yun naman talaga ang dahilan kung bakit natin ginawa itong Kadiwa,” giit ng Pangulo.
Sinabi pa ng Chief Executive na muling inilunsad ng kanyang administrasyon ang Kadiwa, na unang pinasimulan ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Matcos Sr., para pagaanin ang epekto ng tumataas na presyo ng iba’t ibang produkto at tulungan ang maliliit na negosyo na makabangon mula sa matinding epekto dulot ng COVID-19 pandemic.
“At talagang marami sa kanila, naubos ang kanilang savings, napilitan silang magsara at kaya naman ay napakalaking bahagi niyan ng ating ekonomiya,” ayon sa Punong Ehekutibo.
“Kaya’t binibigyan natin ng pagkakataon ang ating mga MSMEs (micro, small, and medium enterprises), binibigyan natin sila ng isang lugar, isang palengke, isang merkado kung saan sila makapunta para naman maibenta nila ang kanilang mga produkto,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Pangulo ang lahat ng nagpartisipa at maging ang Bulacan local government, binigyang diin na hindi ito magagawa ng pamahalaan ng nag-iisa.
“Dahil hindi po kaya ng DA lamang. Hindi po kaya ng national government lamang kung walang tulong at walang magandang partnership sa ating mga local government,” dagdag na wika ng Pangulo. (Daris Jose)
-
Nagbawas at nagdagdag para maging relevant at fresh: MICHAEL V., kinausap ang mga natsugi sa ‘Bubble Gang’ para ‘di sumama ang loob
SA pag-launch ng bagong Bubble Gang sa May 27, hindi na makakasama sa latest reformat ng show sina Mikoy Morales, Denise Barbacena, Liezel Lopez, Arra San Agustin, Lovely Abella, Ashley Rivera, Diego Llorico, Myka Flores at ang isa sa pioneer cast member na si Antonio Aquitania. Ayon kay Michael V., ginawa raw nila […]
-
Mga tour operators, handang magbigay ng 75 percent off sa room rate
UMAPELA sa gobyerno ang mga negosyante sa Boracay na sana’y tanggalin ang ilang mga require- ments para sa madali at bawas hassle na pagtungo ng mga turista sa isla. Ang nasabing apela ay ginawa sa harap ng napakatumal pa ring dating ng mga turista sa Boracay magmula ng itoy binuksang muli sa publiko nitong […]
-
Saludo sa asawa at sa lahat ng mga nanay.: DENNIS, pinasilip na ang first photo ni Baby D na kamukha ni JENNYLYN
PINASILIP na ni Dennis Trillo ang first photo ng anak nila ni Jennylyn Mercado,na si Baby D sa mismong araw ng mga ina. Caption ni Dennis, “Araw mo ngayon mahal ko, gusto ko lang sabihin na napaka swerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya. Deserving ka talaga na magkaroon ng isang pang napaka […]