• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, uungkatin ang isyu ng South China Sea sa EU-ASEAN Summit

UUNGKATIN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  ang isyu ng South China Sea sa European Union-Association of Southeast Asian Nations (EU-ASEAN) Business Summit sa Brussels, Belgium sa susunod na linggo.

 

 

Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu sa pre-departure press briefing sa Malakanyang na kabilang ang South China Sea  sa mahalagang usapin na uungkatin ng Pangulo sa partisipasyon nito sa summit mula Disyembre  12 hanggang 14.

 

 

At sa tanong kung hihingi ng suporta si Pangulong Marcos sa  EU ukol sa  long-standing maritime issue sa China, tinuran ni Espiritu na matagal nang suportado ng  EU ang Pilipinas.

 

 

Sa katunayan nga aniya ay nagsimula ang suporta nito nang lumabas ang arbitral ruling noong 2016 pabor sa Pilipinas.

 

 

“At this point EU has been supporting the Philippines on the South China Sea, including sa (the) arbitral. And this is not only true in terms of the European Union as a whole, but may (there are) individual members who have supported us even sa (in the) arbitral award,”ayon kay Espirutu.

 

 

Binigyang diin pa ni Espiritu na ipagpapatuloy ng gobyerno ng Pilipinas ang posisyon nito sa nasabing usapin sa magiging talakayan sa ASEAN at EU.

 

 

Hindi aniya kasama sa posibleng hihingin na commitment ng Pilipinas mula sa EU ang patrol support.

 

 

Ani Espiritu, sapat na ang suporta na ibinibigay ng EU sa Pilipinas.

 

 

“Yung actual patrol siguro–medyo malayo kasi EU e, malayo tayo but enough na yun na ang lakas ng pronouncement nila paulit ulit yung support nila sa Philippines on the issue,” ang wika ni Espiritu

 

 

“I-arrange mo pa ‘yung actual patrol, we are not discounting that but of course malaking undertaking yan kung sakali. Wala naman sa card ‘yan so far,” dagdag na pahayag nito.

Other News
  • 6 na atleta handa na sa pagsabak sa 2020 Tokyo Paralympics

    Lilisan na sa Linggo, Agusto 22 ang excited na anim na mga para-athletes ng Pilipinas sa sasalihang 2020 Tokyo Paralympics na gagawin mula Agosto 24 hanggang Septyembre 5 sa Tokyo, Japan.     Ang nasabing mga atleta ay kinabibilangan ng tig-dadalawa para sa swimming at athletics at tig-iisa naman para sa powerlifting at taekwondo.   […]

  • VP Sara, nahaharap na sa tatlong magkakasunod na impeachment complaint

    Tatlong magkakahiwalay na impeachment complaint na ang kinakaharap ni VP Sara Duterte.       Ito ay matapos ihain ng religious groups at mga abogado ang ikatlong impeachment complaint sa opisina ni House of Representative Secretary General Reginald Velasco kahapon, Disyembre 19.     Pinangunahan ni Atty. Amando Virgil Ligutan, counsel ng complainants ang pagsusumite […]

  • Panelo, sinopla si Sotto; Estratehiya ng administrasyon sa pagtugon sa COVID-19 pandemic, binago na

    BINAGO na ng Duterte administration ang estratehiya nito sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.   Ito ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo bilang tugon sa naging panawagan ni Senate President Vicente Sotto III sa gobyerno na maghanap ng ibang paraan para labanan ang Covid-19 at huwag lamang umasa sa bakuna. […]