Sky Candy nangibabaw
- Published on September 17, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI naglaho ang galing ni Sky Candy na nirendahan ng class A na hineteng si JA Guce, maski matagal na nabakasyon pinamayagpagan nitong Linggo ang PHILRACOM-RBHS Class 3 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Dinamba ura-urada ng nasabing kabayo ang primera pagkalabas ng aparato, paentra ng far turn, humirit sina Refuse To Lose at Kaka And Bachi sa paghablot sa trangko. Pero parehong bulilytaso sa winning horse, na ang may ari’y kumite ng P20,000 na cash buhat sa Philippine Racing Commission.
“Iba talaga ang husay ni Sky Candy pang stakes race, kahit matagal natengga hindi nagbago ang porma,” masayang dada ni Peter Gallardo, isang taga-Carmona na mananaya.
Pumangalawa si Two Timer, pumangatlo si Refuse To Lose, samantalang pumang-apat si Kaka And Bachi sa unang karera sa SLLP sapul nang mahinto noong Marso dahil sa pandemya. (REC)
-
Ayo malabo sa Letran
KINONTRA kaagad ni Colegio De San Juan de Letran men’s basketball team coach coach Bonnie Tan ang mga naglalabasang ulat na papalitan siya kahit binigyan niya ng korona ang Knights noong isang taon sa gitnaan ng kontrobersiya sa University of Santo Tomas. “May kulang yata sa tweet, nakikipag-swap ng position lang naman,” bulalas ni […]
-
2 criminology students kulong sa P120K marijuana
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang criminology student matapos masakote sa buy-bust operation at mahulihan ng higit P.1 milyon halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni Northern Police District (NPD) P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang mga naaresto na sina Sebastine Kyle De Leon, 20, 345 Batasan […]
-
LGus, kasama na sa A4 priority list na matuturukan ng covid 19 vaccine
KASAMA na ang mga opisyal ng local government units (LGU) sa “A4” priority na matuturukan ng Covid-19 vaccine. Makakasama ng mga ito sa priority list ang iba pang frontline personnel sa essential sectors kabilang na ang uniformed personnel at nasa working sectors. “A4 po ata ha, but I could be wrong, pero kasama na sila […]