• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDP-Laban exec Evardone, inendorso ang presidential bid ni Leni Robredo

INENDORSO ng isang mataas na opisyal ng ruling party PDP-Laban, araw ng Lunes ang presidential candidacy ni Vice President Leni Robredo base sa kuwalipikasyon na itinakda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte for para maging successor nito.

 

 

Naniniwala si Eastern Samar Governor Ben Evardone, nagsisilbi bilang PDP-Laban vice president for the Visayas, “virtually” ay inendorso ni Pangulong Duterte ang presidential bid ni Robredo nang sabihin nito na ang susunod na Pangulo ng bansa ay dapat na “compassionate and decisive lawyer.”

 

 

“For me and for millions of Filipinos, there is only one decisive and compassionate lawyer among those aspiring to be president and she is VP Leni,” ayon kay Evardone sa isang kalatas.

 

 

“She’s the only one who can hurdle President Duterte’s standard for his successor,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi pa ni Evardone na consistent si Robredo sa kanyang pro-poor advocacies, na aniya’y umabot pa sa Eastern Samar.

 

 

“We will need a president who is determined and forceful in addressing these issues but at the same time one who has compassion for all affected sectors, especially the poor. It’s VP Leni who fits the bill,” ayon kay Evardone.

 

 

Samantala, hanggang sa gayon ay wala pa ring ine-endorso na presidential candidate sina Pangulong Duterte at ang PDP-Laban faction sa pamumuno ni Energy Secretary Alfonso Cusi. (Daris Jose)

Other News
  • 18 bata at 1 adult patay sa pamamaril sa isang paaralan sa Texas

    PATAY ang 18 bata  at 1 adult matapos na sila ay pagbabarilin sa isang elementary school sa Texas.     Kabilang sa nasawi ang 18-anyos na suspek na namaril sa Robb Elementary School.     Pawang mga mag-aaral ang nasawi at isang guro ang namatay.     Hindi pa inilalabas ng mga otoridad ang detalye […]

  • Libre pasahe sa MRT-3, LRT-2 at PNR sa bakunadong APOR sa Aug. 3-20

    Magkakaloob ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Philippine National Railways (PNR) ng libreng pasahe para sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) na bakunado na simula ngayong araw, Agosto 3 hanggang Agosto 20.     Ito ay batay na rin sa kautusan mismo ni Department […]

  • SEKYU TINARAKAN SA LIKOD NG SELOSONG BARANGAY EX-O

    MALUBHANG nasugatan ang isang 55-anyos na security guard matapos saksakin ng 67-anyos na barangay opisyal dahil sa selos nang makitang binisita ng biktima ang babaeng nililigawan ng suspek sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Ginagamot sa Manila Central University (MCU) hospital sanhi ng tinamong saksak sa likod si Raul Baquirin, 55 ng 221 […]