• April 11, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30 at Sec. Locsin, walang namamagitang away

TINIYAK ng Malakanyang na magkasundo at walang away sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. dahil lamang sa magiging rekumendasyon ng huli na ikansela ang lahat ng kontrata ng mga Chinese firm na nasa likod ng militarisasyon sa  South China Sea.

 

Mariing itinanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang sinasabing “inconsistencies” o hindi magkaparehong  pahayag ng dalawang opisyal lalo pa’t sinabi naman ni Sec. Locsin na ang kanyang sinabi ay rekumendasyon lamang.

 

“Wala naman po sigurong inconsistencies diyan dahil ang sabi lang naman ni Secretary Locsin, he will recommend. Pero hindi po nangyari iyan because the President spoke as a matter of chief architect of foreign policy,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Si Presidente naman po, wala naman pong personalan iyan,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa ulat, irerekomenda ni Sec. Locsin  na tapusin na ang mga local contracts ng mga Chinese firms na mapatutunayang sangkot sa militarisasyon sa West Philippine Sea.

 

Ito ay kapareho ng naging hakbang ng Estados Unidos na magpataw ng sanction sa Beijing state run firms maging sa visa restrictions sa mga Chinese nationals.

 

Ani Locsin, nakikipag-ugnayan na siya sa Department of Transportation (DOTr) at National Economic and Development Authority upang malaman kung mayroong itong mga ongoing projects sa mga Chinese partners na nasa ilalim ng U.S. sanctions.

 

Samantala, magugunitang naglabas ng pahayag ang Amerika na ginagamit ng China ang kanilang state-owned corporations sa dredging at reclamation ng mahigit 3,000 acres na bahagi ng karagatan ng West Philippine Sea.

 

Kamakailan lamang nang sabihin ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na mistulang naghahanap ng gulo ang Amerika sa naturang rehiyon. (Daris Jose)

Other News
  • First Look At Ryan Gosling As Shirtless and Older Ken, Barbie Fans Reacted

    WARNER Bros. has debuted the first look at Ryan Gosling’s Ken in the live-action Barbie movie.   The two-time Oscar nominee is shown sporting bleach blonde hair and a cutoff jean jacket that highlights Gosling’s incredible physique.   Following in the footsteps of the first image of Margot Robbie as Barbie, the debut of Gosling’s […]

  • Highly-awaited cinema release of Japan’s blockbuster hit “Look Back” to debut nationwide in PH cinemas

    The wait is over! The anime adaptation of Look Back, from Chainsaw Man creator Tatsuki Fujimoto will have a Philippine release on August 28.         Yūmi Kawai (Plan 75) and Mizuki Yoshida (Alice in Borderland) lend their voices to lead characters Fujino and Kyomoto, respectively.         Watch the trailer […]

  • P8K wage subsidy sa MSMEs workers target ng gobyerno

    Makakatanggap ng wage subsidy na P8,000 kada buwan ang mga manggagawa sa pribadong sektor na nasa micro, small and medium enterprises (MSMEs) bilang bahagi ng eight-point agenda ng pamahalaan para makabangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.     Sa isang job summit ng Task Group on Economic Recovery-National Employment Recovery Strategy (NERS) kamakalawa, sinabi […]