PDu30, gustong dalhin ang bakuna laban sa Covid- 19 sa squatters area
- Published on March 19, 2021
- by @peoplesbalita
GUSTO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dalhin ang mga government vaccinators sa mga bahay ng indigent communities o sa squatters area para mabigyan ng COVID-19 doses.
“We are thinking of going mobile . . . my order now is for the team to give you the vaccine,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.
“We will use all government assets . . .everybody must contribute and all departments must take note of this, this is not just a fight against COVID-19, but a fight against despair and hopelessness,” dagdag na pahayag nito.
Iyon nga lamang, tila kinontra naman ni Health Secretary Francisco Duque III ang direktibang ito ng Chief Executive sa dahilang mangangailangan ng mas maraming tauhan kapag inimplementa ito.
Aniya, ginagawa naman ito sa tinatawag na fixed sites para maobserbahan mabuti ang posibleng side effects sa mababakunahan.
“Ang problema lang po, Mr. President, na nakikita ko po ngayon, iyon po kasing mga — kung dadalhin po ‘yong bakuna sa kanila, kakailanganin po nang napakamaraming taong mag — magmo-monitor for adverse effects following immunization. Iyan po ang very important step — final step in the vaccination process. After you are vaccinated, you have to be observed for about 30 minutes to about one hour individually for a possible side — serious side effects. And nakita niyo naman — naman po, sir, may mga reports talaga na mga serious side effects na nangyayari. And also monitoring even the minor side effects at mabigyan po ng lunas,” paliwanag ni Sec. Duque.
“Kaya po ang ginagawa natin sa fixed site implementing units like RHUs and hospitals, at least doon po mababantayan maramihan. Kasi kung isa-isahin po natin sa mga lugar nila, ang dami pong — kulang po tayo sa tao para mag-monitor, sir,” dagdag na pahayag nito.
Inihalintulad pa ng Kalihim ang bagay na ito sa list of voters tuwing eleksyon . ang gobyerno nia ay magkakroon ng listahan ng mga indibiduwal na babakunahan, lugar ung aan sila babakunahan at iba pang mahahalagang detalye.
“If the vaccines are readily available, the Heath department targets to vaccinate at least 70 million Filipinos in five to six months,” aniya pa rin.
“So nakaplano na po lahat ito, Mr. President. So execution na lang po, implementation na lang po, sir. Para hong sa Comelec na mayroon ng precinct, parang voting precincts, doon na lang po sila pupunta, may listahan na po doon lahat po ng pangalan nila,” ayon sa Kalihim. (Daris Jose)
-
Marcial, labis ang pasasalamat sa suportang nakukuha sa PSC
Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) ang buong suporta kay Filipino boxer Eumir Marcial sa paglaban nito sa Olympics kahit na ito ay maging professional boxer na. Nalalapit na kasi ang pagpirma nito sa isang promotional outfit at nababahala siya na baka matanggal na ang kaniyang allowance mula sa PSC kapag naging professional boxer […]
-
DOTr at Land Bank lumagda sa kasunduan para sa transport projects
ISANG kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at Land Bank of the Philippines (LBP) tungkol sa anim (6) na proyekto na nauukol sa transport modernization at assistance projects. Kasama sa mga nasabing proyekto ay ang mga sumusunod: North- South Commuter Railway Extension (NSCR-Ex) Appraisal Project; Resettlement Action Plan Entitlements Distribution […]
-
LTFRB: 69,000 PUVs handa ng magsakay ng mga commuters
SINIGURADO ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga commuters na may 69,000 na public utility vehicles ang magiging available upang magsakay ng mga commuters kahit na may concerns tungkol sa mahigpit na pagpapatupad ng one-meter distancing policy sa mass transportation. Sa isang statement sinabi ng LTFRB na patuloy pa rin silang […]