Pdu30, ibebenta ang mga ari-arian ng pamahalaan na walang pakinabang
- Published on July 16, 2020
- by @peoplesbalita
TALAGANG ibebenta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga ari-arian ng gobyerno na wala namang pakinabang.
Subalit, nilinaw ni Presidential spokesperson Harry Roque na gagawin ito ng Pangulo kung kinakailangan na ng taumbayan.
“Uulitin ko lang po ang sinabi ng Presidente, talagang ibebenta niya ang lahat kung kinakailangan ng taumbayan,” ayon kay Sec. Roque.
Batid aniya niya na tutol si Finance Secretary Carlos Dominguez III sa pahayag na ito ng Pangulo subalit iyon aniya ang posisyon ng Chief Executive.
“I know that Sec. Dominguez has expressed a different view but as a Spokesperson, i just have to repeat what the President has said. Iyon po ang sinabi ng Presidente, kung kinakailangan ibenta iyong mga ari-arian na iyan, ibebenta para sa taumbayan, doon na lang po iyon,” aniya pa rin.
Nauna rito, umapela si Senador Imee Marcos sa pamahalaan na ibenta na lamang ang mga ari-arian ng gobyerno na wala namang pakinabang upang makalikom ng dagdag na pondo pantugon sa pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kulang daw aniya kasi ang P140-bilyong inilaan ng mga economic manager sa ikalawang stimulus package.
Mas mabuti na aniya ang magbenta ng mga ari-arian ng pamahalaan na wala namang pakinabang kaysa mangutang.
Batay sa inihain nitong Senate Bill 1646 na Financial Institutions Strategic Transfer (FIST) act, nais nitong bumuo ng specialized asset management corporation na siyang maglilinis sa mga pagkakautang at hindi mapakinabangang mga ari-arian ng mga lending institutions.
Aniya, makakatulong ang mga fist corporations na dagdagan ang pondo ng gobyerno sa pagtugon sa crisis bunsod ng COVID-19.
Giit pa nito na tila virus ang mga hindi nababayarang utang at iba pang non-performing asset na nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa. (Daris Jose)
-
Team Philippines palaban sa 2023 SEAG
DAHIL hindi inaasahang lalaban ang host Cambodia para sa overall crown ay magiging labu-labo ang 32nd Southeast Asian Games sa Mayo ng 2023. Kumpiyansa si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na makikipag-agawan sa overall title ang mga Pinoy athletes. Ito ay makaraang tumapos sa fourth place ang Team […]
-
PBBM, pinangunahan ang GROUNDBREAKING ng tinaguriang ‘WORLD’S LARGEST SOLAR, BATTERY STORAGE FACILITY’
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes, ang groundbreaking ceremony ng “Meralco Terra Solar Project,” kinokonsidera ito bilang pinakamalaking ‘integrated solar at battery storage facility sa buong mundo. Sa naging talumpati ng Pangulo sa naturang seremonya sa Gapan City, Nueva Ecija, binigyang-diin ng Chief Executive ang kahalagahan ng solar […]
-
US Pres. Biden pinayuhan ang mga taga-Israel na huwag padadala sa galit
PINAYUHAN ni US President Joe Biden ang mga taga Israel na huwag padadala sa kanilang damdamin dahil sa patuloy na nangyayaring kaguluhan sa pagitan nila ng Hamas Militants. Sinabi nito na hindi kailanman kasagutan ang giyera dahil hindi ito madali at malinaw. Marami ang madadamay kapag ilagay ng mga taga Israel […]