PDu30 ilalaan ang oras at panahon sa pamilya sa oras na magtapos ang termino sa 2022— Nograles
- Published on December 17, 2021
- by @peoplesbalita
MATAPOS ang apat na dekada sa public service, pormal na magreretiro na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pulitika.
Sa katunayan ay umatras na rin ito na tumakbo sa pagka-senador sa pamamagitan ng pagwi-withdraw ng kanyang Certificate of Candidacy (COC).
Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ilalaan ng Pangulo ang kanyang oras at panahon sa kanyang pamilya at i-enjoy ang pribilehiyo bilang private citizen.
Giit ni Nograles, personal decision ng Pangulo ang pag-atras nito na tumakbo sa pagka-senador kasunod ng pag-atras naman sa presidential race ni Senador Christopher “Bong” Go.
“Siyempre, as a retired government worker siya po ay babalik sa kanyang private life and spend time with his family,”ayon kay Nograles.
Itinanggi naman ni Nograles na ang desisyon ng Pangulo na umatras na tumakbo sa pagka-senador ay para lituhin ang publiko at mga kandidato.
Sa katunayan, ang mga supporters, political parties, at maging ang mga politicians mula sa iba’t ibang partido ay kinukumbinsi ang Chief Executive na tumakbo at ipagpatuloy ang kanyang pagseserbisyo sa mga tao.
“Even after he filed, di ba maraming mga kandidato , political parties are already endorsing him for Senate. So, marami talaga, nandoon iyong pressure na gusto nila magpatuloy si Pangulong Duterte but at the end of the day, it is always personal choice for any who runs or files candidacy in whatever position,” ayon kay Nograles.
At dahil ngayon aniya na hindi na kailangang sumama ang Pangulo sa campaign trail, opisyal na magsisimula sa Pebrero ay makakapag-focus na aniya ang Pangulo sa COVID response.
“He can focus more on safely reopening our economy, he can focus more on continuing, if not stepping up more of the public service,” dagdag na pahayag nito.
“Lahat ng pagbabago, lahat ng mga magagandang programa na nasimulan niya ay kaya na niyang, mas lalo pa niyang masigurado na, these are all put in place and implemented towards the end of his term as president,”aniya pa rin.
Nais din aniya ng Pangulo na “we will have peaceful, transparent, and fair elections this coming May 2022.”
Samantala, makabubuting hintayin ng publiko kung sino ang ie-endorso ng Pangulo bilang kanyang successor. (Daris Jose)
-
3 KULONG SA P.6M HALAGA NG DROGA SA CALOOCAN
Tatlong hinihinalang drug personalities kabilang ang isang bebot ang arestado matapos makuhanan ng pulisya ng halos P.6 milyon halaga ng illegal na droga sa magkahiwalay na operation sa Caloocan city. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., nakatanggp ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa […]
-
14-ANYOS NA MUSLIM, PATAY SA SUNTOK NG 13-ANYOS
PATAY ang isang 14 anyos na binatilyo nang ma-knock-out sa kapwa menor de edad na Grade 7 sa Fraternal St. Quiapo, Maynila. Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Sampaloc ang biktima na si Karim, di tunay na pangalan habang nasa kustodiya naman ng Barbosa Police Station ang suspek na 13 anyos na […]
-
MECQ puwede na sa NCR
Kung ang medical adviser ng National Task Force against COVID-19 ang masusunod, puwede ng ibaba sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region na ngayon ay nasa pinakamahigpit na ECQ. “Kung opinion ko lang ang masusunod, kung ako ang namumuno sa IATF, bababa ako sa MECQ at paiigtingin ko iyong mga […]