Pdu30, ilalatag ang ginawang paggasta ng pamahalaan sa pagtugon sa Covid-19
- Published on August 24, 2020
- by @peoplesbalita
ILALATAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang lingguhang public address mamayang gabi sa bayan ang updates sa naging paggasta ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19.
Sasamahan si Pangulong Duterte ng ilan sa kanyang cabinet members sa public address na gagawin sa kanyang hometown sa Davao City.
“Isa po sa hiningi ni Presidente ngayon para sa talumpati niya ay iyong report sa lahat ng ahensiya ng gobyerno kung paano po nagastos ang mga COVID-related expenses. So, iri-report po iyan ng ating Presidente,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque .
“As of June 30,” nagpalabas ang pamahalaan ng P374.9 billion para i- cover ang emergency assistance sa mga vulnerable groups at individuals, wage subsidy measures, at assistance sa mga displaced workers.
Ang Department of Social Welfare and Development ay nakatanggap ng malaking bahagi ng halaga P200.98 billion para sa Social Amelioration Program para suportahan ang milyong low-income households.
Ang Department of Labor and Employment ay nakatanggap ng P12.59 billion at ang Department of Agriculture ay nakatanggap naman ng P11.10 billion, para suportahan ang kanilang programa para sa mga displaced formal at informal workers, overseas Filipino workers at apektadong magsasaka at mangingisda.
Tinatayang P51 billion ay pinagkaloob naman sa mga manggagawa ng small businesses na labis na naapektuhan ng pandemiya.
Ang Department of Health naman ani Sec. Roque ay P48.23 billion para pondohan ang agaran at patuloy na pagtugon sa COVID-19 response programs at maging ng pagbili ng test kits at PPEs.
Nauna rito, welcome naman sa Malakanyang ang panawagan ng ilang senador para sa special audit ng government’s expenses para makurbada ang epekto ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, inihanda na ng Kongreso ang relief measures na nagkakahalaga ng P165.5 billion para mapanatili ang ginagawang pagtugon ng pamahalaan at tulungan ang sektor na nilumpo ng pandemya. (Daris Jose)
-
Boxers bumida: ABAP, NSA of the Year sa PSA
PARARANGALAN ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang Amateur Boxing Association sa gaganaping SMC-PSA Annual Awards Night ngayong Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel. Ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) ang tatanggap ng National Sports Association of the Year. Apat sa mga kilalang boksingero ng bansa ang naging dahilan […]
-
Halaga ng government loan na magagamit para ipambili ng bakuna, aabot sa $1.3B
TINATAYANG aabot $1.3 billion dollar ng government loans ang magagamit ng gobyerno para maipambili ng COVID-19 vaccines. Sinabi ni Vaccine Czar sec. Carlito galvez, na sa kasalukuyan, malapit na ng ibayad ang halagang ito sa pharmaceutical company na Moderna. Malapit na kasing matapos ang negosasyon para sa pag-aangkat ng bansa ng Moderna vaccine […]
-
Pfizer, hindi nag-demand sa Pilipinas ng gagamiting kolateral kapalit ng bibilhing bakuna sa kanila-Galvez
SINABI ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na hindi nag-demand ang Pfizer sa Pilipinas kapalit ng bakuna laban sa covid 19 na ipagbibili nito. Para kay Galvez, napakabait ng Pfizer sa Pilipinas lalo pa’t nakita naman nila na may tinatawag na legal challenges ang bansa kaya’t hindi nito binago ang alok nito sa Pilipinas. […]