• July 18, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, inaasahan na magagampanan ni Gen. Cascolan ang 3 task sa panahon ng termino nito

INAASAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa na magagampanan ni   incoming Philippine National Police chief Police Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan ang tatlong atas sa panahon ng kanyang termino.

 

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na kailangan na panindigan ni Cascolan ang rule of law, alisin ang mga kurakot na pulis at panatilihin ang laban sa giyera sa ilegal na droga.

 

“We are confident that the incoming chief of the PNP would continue the significant strides made by his predecessors in making the PNP a professional organization worthy of our people’s trust,” ayon kay Sec. Roque.

 

Si Cascolan ang  mag-take over sa liderato ng  209,000-strong police organization mula sa retiradong  PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa.

 

Hindi naman malinaw kung dadalo si Pangulong Duterte sa  turnover ceremony mamya para kay Gamboa.

 

Si Cascolan ang  second-in-command bilang deputy chief for administration bago pa sa kanyang appointment sa  PNP top post

 

Siya ang co-author ng Oplan Double Barrel sa ilalim ng  war on drugs, na nagresulta ng pagkamatay ng libong  suspected drug users at peddlers simula nang maupo si Pangulong Duterte noong  2016 ayon sa  government data.

 

Mayroon lamang siyang maiksing termino bilang PNP chief  dahil mararating din nito ang kanyang  mandatory age na 56 sa November 10.

 

Samantala, prerogative naman ng Pangulo kung ie-extend nito ang termino ni Cascolan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)