PDu30, inabsuwelto si Customs Chief Rey Guerrero mula sa talamak na katiwalian sa BOC
- Published on November 4, 2020
- by @peoplesbalita
INABSUWELTO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Bureau of Customs Chief Reynaldo Guerrero mula sa katiwalian sa ahensiya.
Sa katunayan ay nananatili ang tiwala ng Pangulo kay Guerrero sa kabila nang nagpapatuloy na talamak na korupsiyon sa ahensiya.
Giit ng Pangulo ay hindi kasama rito si “Jagger” na ang tinutukoy ay si Commissisoner Guerrero.
Binigyang diin ng Chief Executive na kuntento siya sa trabaho ni Guerrero sa Customs at maganda naman ang ipinapakita nito. Aniya, marami ng sinibak sa puwesto si Guerrero sa BOC dahil sa katiwalian.
“Well, I am not — I am excluding Jagger. Kaya ko iniligay siya diyan eh. He is working well. Marami na siyang napaalis,” ayon sa Pangulo
Sa public address ng Pangulo ay inihayag nitong 20 ang nadismiss sa BOC habang nasa 1 daan at 35 ang under investigation at 45 ang naasunto na ng kasong administratibo na sabi naman ng Presidente ay dapat ding makasuhan ng kasong criminal.
“Sa… Hindi ko na lang basahin. Sa Customs, 20 na ang dismissed talaga. Apat ang suspendido, kaya siguro iniimbestiga pa. Four, reprimanded lang, 135 investigated by the BOC-Customs Intelligence and Investigation Service. So iniimbestigahan pa. Forty-five charged with administrative cases before the BOC-Legal Service,” aniya pa rin.
“Now, dito sa administrative, hindi ako… I’m not satisfied. There has to be a law being — to charge with administrative… I’d like to call the Customs na criminal pati administrative talaga. And dito sa… Ito namang sa PhilHealth na ‘yung that’s what I cannot under- stand,” dagdag na pahayag ng Pangulo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Lalaki na nagwala habang may bitbit na baril sa Navotas, kulong
HINDI umubra sa mga pulis ang pagiging siga-siga umano ng isang lalaki matapos magwala habang iwinawasiwas ang bitbit na baril sa Navotas City. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong suspek na si alyas “John”, 26, residente […]
-
Sa Asian Academy Creative Awards: KATHRYN at KOKOY, pambato ng ‘Pinas sa Best Actress at Best Actor
INIHAYAG na ang National Winners ng ating bansa, na lalaban sa annual Asian Academy Creative Awards. Magaganap ang awarding sa December 3 and 4, part ito ng Singapore Media Festival. Nire-recognise ng AACA ang excellence in the film and television industry across 16 nations in the Asia-Pacific region. This year ang pambato […]
-
Pacquiao nagpakitang gilas sa huling sparring session bago ang laban vs Ugas
Tapos na ang anim na linggong training camp ni boxing champ Manny Pacquiao para sa kaabang-abang na laban nito sa susunod na linggo. Kahapon, apat na rounds ang ginugol ng tinaguriang fighting senator sa sparring session nito kay Abrahan Lopez. Kinailangan ni Pacquiao ang presensya ni Lopez matapos na hindi natuloy […]