• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, inaprubahan ang pondo para sa ayuda para sa 80% ng populasyon sa NCR

IBINALITA ni Senador Bong Go na inaprubahan na noong Lunes ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pondo para sa financial assistance na ipapamahagi sa mga kwalipikadong indibidwal sa National Capital Region (NCR) na inilagay sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20, 2021.

 

Nagkakahalaga aniya ito ng P1,000 kada kuwalipikadong indibiduwal na may maximum na P4,000 kada household.

 

Sinabi ni Go na sa pamamagitan ng ayudang ito ay matutulungan ng pamahalaan ang mga mahihirap na mamamayang Filipino na maitawid ang kanilang pamilya habang apektado ang kanilang kabuhayan dahil sa ECQ, lalo na ang mga daily wage earners at mga “isang kahig, isang tuka”.

 

Mahigit 13 milyon aniya ang populasyon sa NCR at 80% nito o mahigit 10.8 milyong indibidwal ang mabibigyan ng ayuda ayon sa DBM, NEDA, at iba pang mga ahensya.

 

“Dahil direktang ida-download ang mga pondo sa mga LGUs sa NCR, ang apela ko naman sa mga lokal na pamunuan ay siguraduhing maibibigay kaagad ang ayuda sa mga tamang benepisyaryo sa isang maayos, mabilis at ligtas na paraan na walang katiwalian,” ayon kay Go.

 

“Nagpapasalamat ako kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtugon sa ating apela na magbigay ng ayuda sa mga pinakamahihirap na maaapektuhan ng ECQ sa NCR simula Agosto 6 hanggang 20,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Go na magpapatupad ng ECQ sa NCR upang maagapan ang problema at maiwasan ang lalong pagkalat ng sakit.

 

“Kumbaga, nais nating patayin ang sunog bago ito maging “out of control”. Pero kasabay nito ay kailangan din nating maagapan ang hirap at maiwasan ang gutom sa ating mga komunidad,” ani Go.

 

At gaya aniya ng kanyang mga nasabi noon, magtiwala lamang ang lahat sa gobyerno dahil lahat naman ng hakbang nito ay ang pangunahing isinasaalang-alang ay ang buhay at kapakanan ng bawat Pilipino. (Daris Jose)

Other News
  • Paglaban sa Duterte 2022 pres’l candidate, magiging pahirapan – oposisyon

    Inamin ng panig ng oposisyon partikular ng kampo ni Vice President Leni Robredo na magiging mahirap na kalaban sa 2022 national elections ang ieendorsong presidential candidate ni Pangulong Rodrigo Duterte.     Ito ay sa kabila umano ng tinatanggap na kritisismo ng Duterte administration sa pagtugon nito sa COVID-19 pandemic.     Sinabi ni Office […]

  • Jones Jr. target si MMA star Silva; kapag tinalo si Tyson

    Sakaling malusutan si dating undisputed heavyweight champion Mike Tyson, inamin ni Roy Jones na target nitong makasagupa si Mixed Martial Arts legend Anderson Silva.   Ayon kay Jones, bago pa man nitong isiwalat na lalabanan si Tyson sa isang exhibition match sa Setyembre, marami na umano itong natatanggap na offer para labanan si Silva.   […]

  • Pacquiao mas malakas kay Floyd — Paul

    Di hamak na mas malakas si eight-division world champion Manny Pacquiao kumpara kay undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr.     Ito ang pananaw ni YouTuber Logan Paul matapos bumisita sa training camp ni Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.     Personal na nakita ni Paul ang lakas ng kamao ni Pacquiao. […]