• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, ipinagmalaki na bumaba ng ilang milyon ang bilang ng mga durugista

IPINAGMALAKI ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba ng ilang milyon ang bilang ng mga drug users o durugista sa bansa sa ilalim ng kanyang administrasyon.

 

Iyon ay sa kabila ng kanyang pag-amin na nananatili ang Pilipinas “in the thick of the fight against shabu.”

 

Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay muling binigyang diin nito ang problema sa ilegal na droga sa bansa.

 

Tinukoy nito ang kamakailan lamang na report ng Dangerous Drugs Board, Duterte kung saan ay pumalo sa 1.67 milyong Filipino na may edad na 10 hanggang 69 ang kasalukuyang gumagamit ng ilegal na droga.

 

“In the past, ‘yung panahon nina [Ronald] Dela Rosa umabot na ng almost 4 million and how much has been reduced in the use of shabu, I really do not know until now, but we are still in the thick of the fight against shabu,” ayon sa Chief Executive.

 

Noong nakaraang buwan, iniulat ng Human Rights Watch na ang drug war killings ay tumaas ng 50 percent kahit na nasa gitna ng coronavirus pandemic.

 

Inulit naman ng Punong Ehekutibo ang posisyon nito na handa niyang panagutan ang pagdanak ng dugo dahil sa drug war sa ilalim ng kanyang kampanya laban sa ilegal na droga.

 

“You can hold me responsible for anything, any death that has occurred in the execution of the drug war, pero ‘wag ninyo akong bintangan diyan sa patayan na hindi ninyo alam kung sino ang pumatay,” ayon sa Pangulo. Itinanggi naman nito na sangkot siya vigilante killings.

 

“Payag ako, just charge with the correct indictment. ‘Wag ‘yung basta basta lang kayo magsabi na ‘crime against humanity.’ Kailangan pa naging humanity itong p— inang mga drugs na ito,” diing pahayag ng Pangulo.

 

Sinabi pa ng Pangulo na nitong nakalipas na mga buwan ay hindi siya nag- commit ng murder o hiniling sa kahit na kaninuman na pumatay.

 

Samantala, tinawagan naman ng pansin ng Pangulo ang nga magulang na mas pakialaman ang buhay ng kanilang nga anak para iligtas ang mga ito mula sa drug addiction.

 

“Parents should have also a shared responsibility. Dapat kayo rin ang masisi nito kung… pinabayaan ninyo. Check on your children. Always supervise, check kasi diyan ninyo mapangalagaan ang kapakanan ng anak ninyo,” ayon sa Pangulo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • 20 PNP quarantine control points itinalaga sa mga boundaries ng NCR-Plus Bubble

    Naglabas na ng listahan ang Philippine National Police (PNP) ng mga lugar na nilagyan nila ng quarantine control points.     Ito’y makaraang isailalim sa bubble general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Bulacan, Cavite,Laguna at Rizal dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID 19.     Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi […]

  • Ads November 8, 2024

  • Mambabatas , nanawagan sa DBM na tiyakin ang pondo na kailangan ng Sulu

    NANAWAGAN ang isang mambabatas sa Department of Budget and Management (DBM) at iba pang ahensiya na tiyakin ang pondo na kailangan ng Sulu para pondohan ang operasyon ng lokal na pamahalaan.     Ang apela ay ginawa ni Deputy Minority Leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman kasunod ng pinal na pagdedeklara ng Supreme Court sa […]