• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, itinalaga si Vince Dizon bilang presidential adviser for COVID-19 response

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vince Dizon bilang presidential adviser for COVID-19 response.

 

Ito’y batay na rin sa mga larawan na ipinalabas ng Malakanyang, araw ng Biyernes.

 

Kasama ni Dizon ang kanyang pamilya na nanumpa sa harap ni Pangulong Duterte, araw ng Martes.

 

Ang appointment ni Dizon ay matapos na iulat ni political strategist Lito Banayo na tumutulong ang nasabing Cabinet official sa political campaign ni presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno.

 

Gayunman, itinanggi ni Dizon na bahagi siya sa kahit na anumang political campaign, nakatuon ang kanyang pansin sa COVID-19 response ng gobyerno kabilang na ang vaccination program ng bansa.

 

Binanggit ni Banayo na naiintindihan nila ang mahalagang gampanin ni Dizon sa gobyerno para tugunan ang pandemiya.

 

“We support his efforts even as we will welcome him in our team eventually,” ayon kay Banayo.

 

Si Dizon ay nagsilbi noon bilang presidente ng Bases Conversion and Development Authority.  (Daris Jose)

Other News
  • P5 MILYON IPINAGKALOOB NG LUNGSOD QUEZON SA ‘StartUp’ FINALISTS

    LUNGSOD QUEZON – Ginawaran ng Lungsod Quezon ng P1 milyon kada isa ang limang finalists sa ilalim ng StartUp QC nitong Biyernes, Agosto 11.     Ang inisyatibo ng Lungsod Quezon ay inilunsad noong Oktubre 2022 para suportahan ang mga umiiral na early-stage startups sa pamamagitan ng ibat-ibang training at mentoring sessions, industry exposure at […]

  • Panelo, nag-sorry kay VP Leni

    HUMINGI na ng paumanhin si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kay Vice President Leni Robredo matapos magkomento  sa maling impormasyon na sumakay ang huli sa C-130 aircraft nang dumalaw ito sa Catanduanes noong November 3.   Sa katunayan  ayon kay Sec. Panelo ay naglabas na siya ng apology matapos maberipika ni Defense Secretary Delfin Lorenzana […]

  • P95 B Pasig River hybrid expressway nag ground breaking

    Nagkaron ng ground breaking ceremony ang P95 billion na Pasig River Expressway (PAREX) project sa pangunguna ng San Miguel Corp. na siyang magdudugtong sa eastern at western cities ng Metro Manila.     “I believe that this project is bound to be one of the most impactful projects during the time of President Duterte, in […]