• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, kakausapin si Xi sa Abril 8

NAKATAKDANG kausapin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Chinese President Xi Jinping sa Abril 8 para muling ipabatid dito ang kanyang alalahanin na ang armed conflict sa Eastern Europe ay maaaring mag- spill over sa Asya at madamay ang Pilipinas sa “vortex of a war” sa rehiyon.

 

 

Inihayag ito ni Pangulong Duterte sa isinagawang National Joint Task Force- Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict Meeting na idinaos sa JPark Island Resort, M.L. Quezon National Highway, Maribago, Lapu-Lapu City, Cebu, araw ng Huwebes, Marso 31.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na nakatakda siyang makipag-usap kay Xi sa nasabing petsa subalit hindi na ito nagbigay pa ng kahit na anumang detalye sa kanilang magiging pag-uusap. Hindi rin ito nagbigay ng ideya kung ito’y phone conversation o face-to-face meeting.

 

 

“I’m scheduled to… April 8. Gusto ako kausapin ni Xi Jinping. Magkaibigan man rin kami,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Ako, hindi ako kakampi kampi ako. I just don’t want [a] war to enter my country,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Inamin ng Chief Executive na nananatili siyang nag-aalala ukol sa posibleng ‘spillover’ sa Pilipinas ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

 

 

“Mag-usap kami ni Xi Jinping kasi, siguro, yung sabi ko na… Para masabi ko lang na the Philippines might really be included in the vortex of giyera dito,” ani Pangulong Duterte.

 

 

“‘Pag tinamaan ang Russia ng nuclear o ang Russia ang unang magtira , then there’s going to be serious trouble, and China will not just sit idly there,” dagdag na pahayag nito.

 

 

“Babanat din siya (China), kukunin niya ang Taiwan ,” pagpapatuloy ng Pangulo.

 

 

Aniya, walang kaduda-duda o sigurado aniyang apektado ang Pilipinas ng “full-scale war” dahil ang presensiya ng American forces sa bansa.

 

 

Nagdesisyon aniya siyang payagan ang Estados Unidos na gamitin ang base ng Pilipinas sa pangambang mag-spillover nga ang giyera ng sa pagitan ng Ukraine at Russia.

 

 

“I have given the Americans the unrestricted use of… because it will be a stupid thing [to send them away]. It will just also– nandiyan na kasi,” anito.

 

 

“Hindi man natin mapaalis , and it’s not good at this time na paalisin ang Amerikano . So I allowed them the unrestricted use mga airport, mga base militar. Kasi nandito na sila, eh,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Sa kabila nito, muli namang inulit ng Pangulo na hindi niya papayagan ang mga sundalo ng Pilipinas na magpartisipa sa nangyayaring labanan sa Europa.

 

 

“I will never commit my soldiers or the police to go and participate,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Hindi natin ano ‘yan. We are not even connected, however big or small,” aniya pa rin.

 

 

Simula Marso, nananatiling ‘neutral’ ang posisyon ni Pangulong Duterte sa nagpapatuloy na giyera sa Europa.

 

 

“We better maintain our neutrality. Let us avoid meddling in it so that we won’t get involved,” ang pahayag ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Bulacan, pasok bilang 10th Most Competitive Province

    LUNGSOD NG MALOLOS- Isa na namang parangal ang nadagdag sa Lalawigan ng Bulacan sa ilalim ng pamumuno ni Gob. Daniel R. Fernando sa pagkakamit ng lalawigan sa ika-10 pwesto bilang Most Competitive Province na iginawad ng Department of Trade and Industry (DTI) at Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) noong Enero 31, 2022.     […]

  • PBBM, idineklara ang Oktubre 30 bilang “NATIONAL DAY OF CHARITY”

    IPINALABAS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Proclamation No. 598 na nagdedeklara sa Oktubre 30 kada taon bilang “National Day of Charity.”     Ang proklamasyon ang bumubuo ng bahagi ng ‘commitment’ ng administrasyon para i-promote at iangat ang buhay ng bawat Filipino sa “Bagong Pilipinas.”       Sa paglagda sa proklamasyon, tinukoy […]

  • Halos 500,000 doses ng AstraZeneca ‘di pa naituturok kahit Hunyo na mapapanis

    Nanganganib mapanis ang nasa kalahating milyong bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa susunod na buwan, pero ayon sa Department of Health (DOH), ginagawan na nila ng paraan para mapabilis ang pagdating nito sa braso ng mga mamamamayan.     Ito ang inilahad ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa katatapos lang na Laging Handa briefing na inere […]