• April 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi lahat ng pulis ay bugok gaya ni Nuezca – Malakanyang

Hindi lahat ng pulis ay bugok kagaya ni Senior Master Sergeant Jonel Nuezca.

Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng brutal na pagbaril in point blank ni Nuezca sa walang kalaban- laban na mag-inang sina Sonya Rufino Gregorio at anak nitong si Frank Anthony Rufino Gregorio, sa Paniqui, Tarlac sa gitna ng argumento, dahil di umano sa “boga” at right of way.

Ayon kay Sec. Roque, isang bugok lamang na pulis si Nuezca at hindi naman lahat ng kagawad ng pulisya ay kagaya nito.

Matindi aniya ang ipinatutupad na disiplina sa mga pulis kasama na ang tamang paggamit ng armas.

Sinabi pa ni Sec. Roque na ang baril ay para sa proteksyon ng mga alagad ng batas at hindi para gamitin laban sa kanilang mga personal na kaaway.

“Gaya ng aking nasabi kanina, isang bugok lang po iyang pulis na iyan; hindi naman po lahat ng pulis eh gaya niya.
Siyempre po, ang baril eh para sa proteksyon ng ating mga kapulisan, hindi po iyan para gamitin laban sa kanilang mga personal na mga kaaway,” anito.

Aniya, exception ang mga bugok sa kapulisan gaya ni Nuezca na bumaril sa mga walang kalaban laban.

“Uulitin ko po ‘no, talagang exception po ang mga bugok sa kapulisan; by and large po matindi po ang disiplina naman ng ating mga kapulisan,” lahad ni Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

 

Other News
  • Bypass project, mapapalakas ang farming industry sa Bulacan

    MAPAPALAKAS  ng  infrastructure projects sa  Bulacan ang pagiging produktibo ng pagsasaka sa lalawigan.     Ito’y matapos na pasinayaan ang  Arterial Road Bypass Project Phase III (ARBP III) Contract Package 4 sa  San Rafael, Bulacan.     Winika ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang talumpati na binasa ni  Special Assistant to the President Antonio […]

  • May payo na mag-research muna ang mga boboto: SHARON, nasasaktan ‘pag sinasabing walang nagawa si KIKO

    MAY payo si Megastar Sharon Cuneta sa mga boboto na mag-research at kilalaning mabuti ang mga kakandidato sa 2025 midterm elections.   Muli ngang naghain ng Certificate of Candidacy (CoC) ang kanyang asawang si Kiko Pangilinan na muling susubok para maging senador.   “Sana po ay tulungan niyo kami dahil alam n’yo po ang pagto-troll […]

  • Comelec spokesman James Jimenez, Dir. Arabe, pinasususpinde

    ISINUSULONG  ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rey Bulay na pansamantalang suspendehin ang dalawa nilang opisyal na may partisipasyon sa aberya sa “PiliPinas Debates 2022.”     Matatandaang hindi natuloy ang naturang debate ng mga presidential candidates, matapos magkaaberya ang Impact Hub sa bayad para sa Sofitel Hotel.     Partikular na pinasususpinde ni Bulay […]