PDU30, nagtalaga ng 7 Court of Appeals justices, 39 na karagdagang trial court judges
- Published on March 10, 2022
- by @peoplesbalita
NAGTALAGA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng 7 pang associate justices ng Court of Appeals (CA) at 39 na judges o hukom sa regional trial courts (RTCs) at metropolitan trial courts (MeTCs).
Ang kanilang appointment papers ay tinanggap ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo, Lunes ng gabi mula kay Executive Secretary Salvador C. Medialdea.
Ang mga itinalaga bilang CA associate justices ay sina Mercedita G. Dadole Ignacio, Jaime Fortunato A. Caringal, Eduardo S. Ramos Jr., Jill Rose S. Jaugan Lo, Jose Lorenzo R. Dela Rosa, Rex Bernardo L. Pascual, at Emily L. San Gaspar Gito.
Maliban kay Pascual na dating assistant solicitor general at Ramos, dating undersecretary ng Department of Public Works and Highways, ang lahat ng bagong CA justices ay dating mga RTC judges.
Pinunan ni Ignacio ang posisyon na binakante ng namayapang Justice Priscilla J. Baltazar Padilla na na-promote sa Supreme Court (SC) noong 2020; Caringal, posisyon ng ngayon ay si SC Justice Ricardo R. Rosario; Ramos, posisyon ng retiradong si Justice Celia C. Librea Leagogo; Lo, posisyon ng ngayon ay SC Justice Jhosep Y. Lopez; Dela Rosa, posisyon ng retiradong Justice Edgardo T. Lloren; Pascual, posisyon ng retiradong Justice Elihu A. Ybanez; at Gito, posisyon ng namayapang Justice Franchito N. Diamante. (Daris Jose)
-
Mayoral bet Sara Discaya patuloy ang ayuda sa Pasigueño
LIBRENG concert at tuluy-tuloy na ayuda ang handog ng Mayoral bet ng Pasig City na si Sara Discaya sa mga maralitang Pasigueños. Tugon ito ni Discaya sa umano kampo ng kanyang makakalaban sa election matapos na tukuyin siyang nasa likod ng mga mapanirang balita laban kay Pasig City Mayor Vico Sotto. “Wala […]
-
DALAGA TIMBOG SA P353K SHABU
Balik-kulungan ang isang 21-anyos na dalaga matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city. Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Eliseo Cruz ang naarestong suspek na si Lyza Andrade, (watchlisted), dating naaresto noong July 29, 2019 at nakalaya noong August […]
-
Panukalang pagsisilbi ng half cup rice sa mga restaurants sa buong bansa, muling bubuhayin sa Kongreso
PANUKALANG pagsisilbi ng half cup rice sa mga restaurants sa buong bansa, muling bubuhayin sa kongreso upang mabawasan angpagkakasayang sa kanin at maisulong ang mas malusog na pagkain. Bukod dito, umapela rin si Iloilo Rep. Janette Garin sa mga may-ari ng restaurants na mas piliin ang pagbebenta o paghahain ng sweet potato […]