• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, nananatili pa rin ang ‘full trust and confidence’ kay Sec. Villar

NANANATILI ang “full trust and confidence” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Public Works Secretary Mark Villar sa kabila ng alegasyon ng korapsyon sa departamento.

 

Nabanggit kasi ni Pangulong Duterte, sa kanyang public address, Miyerkules ng gabi na may bahagi ng pondo ng DPWH ang nagamit para ibigay sa ilang katao na hindi naman niya pinangalanan.

 

“Full trust and confidence po [si Presidente] kay Secretary Villar dahil despite the corruption in DPWH, naka-deliver po si Secretary Villar,” ayon kay Presiden- tial Spokesperson Harry Roque.

 

Ang bilyonaryong pamilya ni Sec. Villar ang nagmamay-ari ng real estate empire.

 

Sa kabilang dako, committed naman si Pangulong Duterte na walisin ang korapsyon sa DPWH at state medical insurer PhilHealth.

 

At sa tanong kung paiinbestigahan ng Pangulo ang DPWH gaya ng ginawa nito sa PhilHealth, ay sinabi ni Sec.Roque na : “Posibleng gawin po iyan pero hayaan na po muna natin iyan dahil sa ngayon po nakatutok pa sa PhilHealth ang Presidente.”

 

Matatandaang inakusahan ng whistleblowers ang mga opisyal ng PhilHealth nang pambubulsa ng P15 billion sa state funds, at pag-apruba sa overpriced projects at reimbursement sa mga pinaborang ospital.

 

Isang task force ang binuo ni Pangulong Duterte kung saan ay inirekumenda ang pagsasampa ng kaso laban kina dating PhilHealth CEO at President Ricardo Morales at iba pang opisyal. (Daris Jose)

Other News
  • 100 undocumented Filipino workers naharang

    NAHARANG ng Bureau of Immigration (BI) ang tinatayang 100 undocumented na manggagawang Filipino ang naharang sa Zamboanga International Seaport (ZIS).   Ayon kay BI Commisioner Jaime Morente, nasa kabuuang 110 kababaihang pasahero ang naharang sa tatlong magkakahiwalay na pagkakataon ng mga tauhan ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU).   Dagdag pa nito, nagtangkang […]

  • 30K MT importation para maging matatag ang suplay sa ‘closed fishing season’- BFAR

    SINABI ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang pag-angkat ng 30,000 metric tons (MT) ng isda ay makatutulong para mapanatiling matatag ang suplay sa lokal na pamilihan sa panahon ng taunang ‘closed fishing season’ na itinakda tuwing Nov. 1 hanggang Jan. 31.   Sinabi ni BFAR spokesperson Nazario Briguera na ang supplementary […]

  • SILID-AKLATAN NG PSC BUBUKSAN

    NAKATAKDANG muling buksan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Philippine Sports Library sa bansa sa misyon ng ahensiya na mapalawak at mapaangat pa ang edukasyon sa tulong ng mga programa ng Philippine Sports Institute matapos ang Covid-19.   Inihayag ni PSC Chairman William Ramirez, na pangunahing asam ng silid-aklatan na makapatuklas ng scholar athletes at […]