• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, nanawagan ng mas malalim na pagkakaisa kontra Covid- 19

NANAWAGAN si Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ng mas malalim na pagkakaisa ng lahat ng bansa para labanan ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) habang patuloy naman na hinaharap ang banta ng terorismo.

 

Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay bahagi ng kanyang naging talumpati sa  2020 Aqaba Process Virtual Meeting on Covid-19 Response na ang nag-host ay si  Jordanian King Abdullah II.

 

Sa dalawang-oras na virtual meeting, nanawagan ang Chief Executive ng  “more openness, deeper solidarity, and stronger cooperation among nations” para mapadali ang  economic recovery at epektibong malabanan ang terorismo at violent extremism.

 

Binigyang diin ni Pangulong Duterte na ang lahat ng bansa kabilang na ang Pilipinas ay nakikipaglaban ng kaparehong “invisible menace”.

 

“Our urgent common response was to close down borders and impose limits to mobility and trade. The repercussions, as we are seeing now, are grim and far-reaching. We have economies in recession, institutions in crisis, and societies in state of uncertainty,” ayon sa Pangulo.

 

Giit ng Punong Ehekutibo na  habang ang Pilipinas ay  abala sa pagtugon sa pandemiya ay sinasamantala naman ng mga terorista na makapaghasik ng kasamaan sa bansa.

 

“Local terrorist groups, such as the Abu Sayyaf, the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, and the New People’s Army of the Communist Party of the Philippines, are exploiting the situation to serve their nefarious ends,” anito.

 

Gayunpaman,  sinabi ng Pangulo na nalutas ng Pilipinas ang paglaban nito sa terorismo sa mas pinalakas na pamamaraan.

 

“Now, more than ever, our resolve is stronger: We will not let up in our fight against terrorism. And we will not allow Covid-19 to bring our people to their knees,” aniya pa rin.

 

Ani Pangulong  Duterte, hindi dapat pinalalampas ng mga lider ang pagkakataon na  bumuo at magtatag ng bagong kautusan na aniya’y “has no room for the barbarity of terrorists and extremist forces” and “where progress and prosperity are enjoyed by all”.

 

Hinikayat naman niya ang kanyang mga  counterparts na  “honor those who have fallen to the invisible enemy that is the pandemic and the scourge of terrorism”.

 

Aniya, ang susi sa pagbahagi ng kasaganahan  ay malayang paggalaw ng ‘goods, capital, and services, complemented with appropriate social safety nets.’

 

“This is why we in (Association of Southeast Asian Nations) are drawing up a comprehensive recovery plan anchored on strengthening economic cooperation and supply chain connectivity,” ayon sa Pangulo.

 

Kaugnay nito, ipinangako naman ng Pangulo  na paiigtingin niya ang pakikipag-ugnayan sa Asean,  United Nations, at iba pang   international partners, kabilang na ang Jordan.

 

Samantala, pinasalamatan naman ng Pangulo si King Abdullah II para sa napapanahong pagpupulong  kung saan nakikita ng Aqaba partners ang oportunidad na mag- recommit  para mapahusay ang kooperasyon.

 

Nangako rin si Pangulong Duterte na patuloy na magta-trabaho para  paliitin ang tinatawag na deep-seated inequalities bilang  integral part ng  whole-of-nation strategy sa paglaban sa terorismo at  violent extremism.

 

Samantala, ang  Aqaba Process meeting ay pagsasama-sama ng mga lider at  pinuno ng international organizations para sa pagpapalitan ng pananaw kung paano palalakasin ang   international cooperation bunsod ng pagtaas ng   vulnerability ng maraming bansa para sa radikalisasyon at violent extremism na resulta ng Covid-19 pandemic. (Daris Jose)

Other News
  • ECC nag-aalok ng tulong sa mga manggagawang nasugatan, nagkasakit, at namatay sa linya ng tungkulin

    MAAARING  humingi ng karagdagang tulong pinansyal mula sa Employees’ Compensation Commission ang mga manggagawa sa gobyerno, self-employed individuals, mga katulong sa bahay, at mga sea-based overseas workers sa pamamagitan ng Employee’s Compensation Program nito.     Sinabi ni Employees’ Compensation Commission OIC-Executive Director Engr. Jose Maria Batino, ang mga manggagawang kwalipikado para sa tulong mula […]

  • DOLE naglaan ng P455-M para sa mga rehiyong tinamaan ng bagyong ‘Karding’

    NAGLAAN  ang Department of Labor and Employment ng inisyal na P455.6 milyon para sa implementasyon ng emergency employment program sa Central Luzon at CALABARZON, na sinalanta ng bagyong ‘Karding’ noong nakaraang linggo.     Sa pamamagitan ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), ang mga manggagawa sa impormal na sektor sa nasabing mga […]

  • James Bond 26 Will Be A Reinvention After Daniel Craig’s Exit

    LONGTIME James Bond producer, Barbara Broccoli, explains that the iconic 007 spy will be reinvented following Daniel Craig’s exit in No Time to Die.     Originally created in 1953 by author Ian Fleming, James Bond charmed audiences around the world in his first feature film Dr. No in 1962, starring Sean Connery as the captivating 007. The franchise eventually […]