• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, nangako ng pabahay, pagbabalik ng suplay ng kuryente sa mga Odette-hit areas

NANGAKO si Pangulong Rodrigo Roa na magbibigay ng housing assistance at tiyakin na agad na maibabalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na hinagupit ni bagyong Odette.

 

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagbigay kasiguraduhan ang Pangulo sa ginawa nitong pagbisita sa mga lalawigan ng Cebu at Bohol, araw ng Linggo.

 

“In Argao, Cebu, the President interacted with the local government officials and evacuees in the area. He instructed Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo del Rosario to provide housing assistance to residents whose places of residence have been damaged by the typhoon,” ayon kay Nograles.

 

“President Duterte likewise instructed Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi to call on the private sector to help and encourage gas stations to open and operate. In addition, the DOE is working double time to restore energy in Cebu,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya pa, noong panahon na binisita ni Pangulong Duterte ang Cebu, naibalik na ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng lalawigan para magamit ang mga ospital.

 

Idagdag pa rito, naglaan ang Department of Agriculture ng P445 milyong piso para tulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa rehiyon kung saan ang mga ani ay sinira ni bagyong Odette.

 

“President Duterte underscored that while the effects of the typhoon is devastating even as the country continues its battle against COVID-19, the government must help because people need help,” ayon kay Nograles.

 

“He then committed that the national government will urgently provide for the needs of typhoon-hit areas and their residents, which include rice and water, construction materials for rebuilding of damaged houses, and housing assistance, with topmost priority given to the poor,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Unemployment rate bumaba sa 10% nang luwagan ang lockdown

    Milyun-milyong Pilipino ang nabawi ang kani-kanilang mga trabaho sa muling pagbubukas ng ekonomiya sa gitna ng pandemya dulot ng coronavirus disease (COVID-19) noong Hulyo, ayon sa bagong datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), Huwebes.   Lumalabas sa ulat ng gobyerno na 10% ng Pilipinong parte ng labor force, o mga taong naghahanap ng trabaho, ang […]

  • PBBM sa BOC, BIR: Paigtingin ang kampanya laban sa smuggling ng tobacco, vape products

    NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bureau of Customs (BoC) at Bureau of Internal na palawakin at palakasin ang pagsisikap na protektahan ang tobacco industry ng bansa laban sa smuggling ng tobacco at vape products.  Sa isinagawang 6th Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector Group (PSAC-ASG) meeting sa Palasyo ng Malakanyang, kinilala ng Pangulo […]

  • VENDOR KULONG SA PAG-INOM NG ALAK SA KALYE

    KALABOSO ang 59-anyos na vendor nang pumalag at laitin pa ang opisyal ng barangay na sumita sa kanya habang umiinom ng alak sa lansangan sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.   Alas-10:30 ng gabi nang sitahin nina Barangay Executive Officer Kris Khate De Leon at tanod na si Ramil Arevalo sa pag-inom ng alak sa lansangan […]