• January 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, niresbakan si VP Leni Robredo

NIRESBAKAN ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kritiko na nagsabing may magagawa pa ang pamahalaan sa kampanya laban sa coronavirus disease or COVID-19.

 

Ang pahayag ni Pangulong Duterte ay tugon na rin sa sinabi ni  Vice President Leni Robredo na ang gobyerno ay hindi handa para harapin ang COVID-19 nang magsimula na ang pandemya nito.

 

“You do it, may masabi sila. You do not do it, may masabi si Leni. What do you want us to do? Ang problema kasi nitong… ‘yung magsabi na we are not doing enough. What can we do with the germ that’s flying around?” giit ng Pangulo.

 

Kamakailan ay sinopla na ng Malakanyang at nagpahayag na walang magandang sasabihin si VP Leni  tungkol sa administrasyong Duterte sa gitna ng patuloy nitong pagpuna sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

 

Sa isang panayam kasi, sinabi ng Bise Presidente na walang konkretong plano ang national government para labanan ang virus at wala namang magbabago kung tatanggalin si Health Secretary Francisco Duque III sa pwesto dahil ang problema ay nasa sistema.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may karapatan naman ang pangalawang pangulo na magsabi ng opinyon at bilang lider ng oposisyon, tanggap na ng Malacañang na wala itong magandang sasabihin sa pamahalaan.

 

Giit ng kalihim, pwedeng sabihin ng bise presidente lahat ng negatibong bagay sa administrasyon pero suportado pa rin ng mga Pilipino si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Napag-alaman na una nang kinontra ng Palasyo ang obserbasyon ni Robredo na walang malinaw na direksyon ang Duterte administration kung paano tugunan ang COVID-19 crisis.

 

Sinabi ni Roque na umaksyon ang gobyerno kaya mababa lamang ang mortality rate ng COVID-19 sa bansa at nag-improve ang kapasidad ng mga ospital na gamutin ang mga severe at critical cases. (Daris Jose)

Other News
  • 4 drug suspects tiklo sa P.2M droga sa Valenzuela

    LAGLAG sa selda ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng droga nang maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Sa report ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito […]

  • Bong Go: ‘Di ako titigil sa pagseserbisyo

    TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go sa sambayanang Pilipino na hindi siya magsasawa sa paglilingkod sa pagsasabing patuloy siyang magtatrabaho para sa mga walang pag-asa at mahihina.       Sa isang interview matapos ang kanyang monitoring visit sa Malasakit Center sa Davao Oriental Provincial Medical Center sa Mati City, pinasalamatan ni Go si Senate […]

  • PLM PINURI KALIDAD NG PAGTUTURO, 195 TAKERS PASADO SA 2023 NLE

    SA PANGUNGUNA ni Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto, ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila ang isang resolusyong nagbibigay papuri sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) matapos pumasa ang lahat ng kanilang estudyante sa nakaraang Nursing Licensure Exam (NLE) na nalagpasan ang dating 74.94% na passing rate.     Sa naturang resolusyon na […]