• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, pabor na buhayin ang death penalty matapos ang krimeng ginawa ni Nuezca

NAKASALALAY sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang muling pagbuhay sa death penalty.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bagama’t pabor si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa death penalty ay nakasalalay pa rin sa magiging desisyon ng Kongreso ang usaping ito.

“Ang pagpapasa po ng death penalty, ang pagbuhay .. iyan po ay sa simula’t mula ay prayoridad ng ating Presidente pero nakasalalay po ang mangyayari sa batas na ‘yan siyempre sa kamay ng mga mambabatas ng Mababang Kapulungan at ng ating Senado,” ayon kay Sec. Roque.

Bumuhos kasi sa social media ang panawagan ng mga netizens sa pamahalaan na buhayin na muli ang death penalty matapos ang ginawang pamamaril ni Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya Rufino Gregorio at anak nitong si Frank Anthony Rufino Gregorio, sa Paniqui, Tarlac sa gitna ng argumento, dahil diumano sa “boga” at right of way.

May ilan ding mga mambabatas ang nananawagan na buhayin ang death penalty.

“Malinaw po ang stand ng Presidente dyan, pabor po ang Presidente sa death penalty lalo na po sa wide-scaled drug trafficking pero nasa kamay na po iyan ng mga mambabatas,” ani Sec. Roque.

Samantala, ang leksyon naman ng mga pulis na maaaring makuha mula sa ginawa ni Nuezca ay maging ehemplo sa lahat at huwag hayaang maging dahilan para masira ang reputasyon at integridad ng Philippine National Police (PNP).

‘It takes only one.. one of you to destroy the reputation and integrity of the institution. Bagama’t sinasabi po natin ngayon sa lahat na nag-iisang bugok lang naman ‘yang pulis na ‘yan eh nakita ninyo naman ang epekto. Kaya nga po, importante na sa inyong mga buhay ay alalahanin ninyo po.. hindi lang kayo si Juan del Cruz .. kayo po ay kabahagi ng institusyon .. ng isang institusyon na pag nawala po ang tiwala ng taumbayan ang resulta po eh magkakagulo. So, kinakailangan po na mag-ingat sa ating mga pang-araw-araw na buhay. Maging ehemplo na at ipadala ang mensahe dito sa bayang ito dahil tayo po ay kumikilala sa rule of law, ang nagpapatupad ng batas ay siyang susunod sa batas,” litaniya ni Sec. Roque. (DARIS JOSE)

Other News
  • NILAGDAAN ni Mayor John Rey Tiangco

    NILAGDAAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang 21 na mga estudyante at kanilang mga magulang ang memorandum of agreement para sa NavotaAs Ulirang Pamilyang Mangingisda at Art Scholarship para sa school year 2023-2024. Kabilang sa batch na ito ang anim na Fisherfolk scholars at 15 Art scholars. (Richard Mesa)

  • SEPS Online ng Bulacan, wagi ng Best in LGU Empowerment Award sa DGA 2021

    LUNGSOD NG MALOLOS– Iniuwi ng Socio Economic Profile System (SEPS) Online ng Lalawigan ng Bulacan ang Best in LGU Empowerment Award – Best in Interoperability Award (Province Level) sa ginanap na birtwal na Digital Governance Award 2021 sa pamamagitan ng Zoom noong Oktubre 29, 2021.       Tinanggap ni Gobernador Daniel R. Fernando na […]

  • DAR, gagamitin ang P10-B para maabot ang ‘dignified goals’ para sa mga magsasaka ni PBBM

    ALINSUNOD sa naging direktiba ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na ipamahagi ang mga lupain  ng libre at paigtingin ang probisyon ng “support services” sa mga magsasaka, pinangunahan ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang 150th meeting ng Presidential Agrarian Reform Council Executive Committee (PARC ExCom), araw ng Biyernes, Oktubre 28.     “I […]