PDu30, papangalanan ang ‘most corrupt’ presidential bet bago ang May 9 polls
- Published on January 26, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na papangalanan niya ang “most corrupt” presidential candidate bago ang national elections.
Ani Pangulong Duterte, obligasyon niya na ipaalam sa mga mamamayang filipino ang mga bagay na alam niya upang tulungan ang mga ito sa kanilang desisyon.
Sa kanyang Talk to the People, araw ng Martes, sinabi nito na ang kanyang hakbang ay hindi isang uri ng politicking o pamumulitika kundi ang ipabatid lamang sa publiko kung ano ang kanyang nalalaman base sa impormasyon na natanggap niya at base sa kanyang personal na karanasan.
“In due time… I will personally name the candidates and maybe what’s wrong with them na kailangang malaman ng tao because you are electing the president. Sino yung pinaka-corrupt na kandidato,” ayon sa Pangulo.
“Hindi ako namumulitika ; I’m talking to you as your president… Ito kailangan ilalabas ko because we are talking of elections. We are talking of our country and the next rulers so to say,” dagdag na pahayag nito.
Binigyang diin ng Chief Executive na isa sa mga kandidato sa pagka-pangulo ay “really cannot be a president” habang ang isa pang kandidato ay hindi maaaring iboto sa pagka-pangulo dahil “too corrupt.”
“Akala lang kasi ng mga tao malinis pero ‘yung mga nag-transact sa business sa kanya, mga official business, pati yung mga Chinese nagreklamo na na masyadong corrupt daw,” aniya pa rin.
“Sabi ko, ang magagawa ko is to charge him for corruption. Could be under the Revised Penal Code, it could be under Corrupt Practices Act,” ani Pangulong Duterte.
Sinabi pa ni Pangulong Duterte, hindi siya nagbanggit ng anumang pangalan subalit giit nito na hindi niya ito ginagawa para personal na atakihin ang isang kandidato.
“Nakita ko lang. Hindi ako nagsabi na marunong ako. From observation, parang taong nakainom. Malaman mo, medya sumobra siya sa limit ng botelya na kaya nya. Tapos mag-away, tapos magtapang magsalita, masakit. Akala niya may utang ang tao sa kanya, ganun yan eh,” ayon sa Punong Ehekutibo.
“Sabagay, opportunity comes your way, you jump on it. Maybe baka, maybe it’s your destiny to be a president of the republic,” aniya pa rin.
Hindi naman malinaw kung papangalan ni Pangulong Duterte ang kandidato.
Gayunpaman, bahala na aniya ang mga Filipino kung paniniwalaan siya ng mga ito sa kanyang sinabi.
“Ito bahala na kayo, if you want to believe in me, if you still believe me, I will tell you. But if you reject it at ayaw ninyong maniwala, ang masasabi ko lang, bahala kayo. Besides, it’s also your country, it’s not only mine,” aniya pa rin.
“Kailangan may malaman kayo na alam ko na hindi ninyo alam . Why? Because I am the president and I get all information from everybody, and not only that, [also] from personal experience,” dagdag na pahayag nito.
Aniya, masyado pang maaga para siya ay magsalita.
“Maraming nagtatanong, bakit ako hindi nagsasalita. Maaga pa eh. Gawin lang nilang pulutan ‘yung kalaban tapos siyempre ako yung reference point nila,” ani Pangulong Duterte.
“Pati ako madala sa galit. Mahirap din yan kasi ayaw mo ng away eh. Mag-retire na ako, tahimik na ang buhay ko. But I feel that there are things I would have to reveal to the Filipino people because it’s my job to tell the truth,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
Listahan ng 4Ps, pina-update
BUNSOD na rin sa inaasahang libong benepisaryo ng 4Ps na kabilang sa mawawala sa susunod na taon (2025), hiniling ng mga mambabatas na mgkaroon ng update sa poverty mapping sa nasabing Pantawid Program. Sa House Resolution 2085 na inihain nina 4Ps Partylist Rep. JC Abalos at House Minority Leader Marcelino Libanan, nanawagan ang […]
-
Cybercrime investigation, palalakasin ng NCRPO
MAS palalakasin at paiigtingin pa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang kakayahan sa cybercrime investigation matapos ang pagtatapos ng Introduction to Cybercrime Investigation Course (ICIC). Pinangunahan ni PBGen. Rolly Octavio,Chief Regional Staff sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City ang pagtatapos ng ICIC ng nasa 50 pulis mula sa […]
-
NAVOTAS NAGBIGAY NG TRABAHO SA INTERNS AT EX-OFWS
BINUKSAN muli ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinto nito para sa mga kabataang Navoteño na gustong magkaroon ng karanasan sa pagtatrabaho sa gobyerno at mga dating Overseas Filipino Workers (OFWs) na nangangailangan ng alternative livelihood. Nasa 22 beneficiaries ng Navotas Government Apprenticeship Program (NGAP) ang magsisilbi sa pamahalaang lungsod mula […]