• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, patuloy ang ginagawang paglilinis sa pamahalaan

PATULOY ang ginagawang paglilinis ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamahalaan.

 

Sa katunayan, binasa at inisa-isa ni Pangulong Duterte ang mga pangalan ng mga sinibak sa tungkulin dahil sa iba’t ibang reklamo.

 

“Well, just to show that we are in the process of still cleansing government, ang na-dismiss sa service, si Rodrigo — hindi Duterte ha — Rodrigo Valencia, Administrative Aide IV, DSWD Central Office; Si Godofredo Estepa Jr., Administrative Unit Chief, DSWD — DSWD ‘to lahat — inefficiency and incompetence in the performance of duties, one year suspension; Ian Ann Girose S. [Bentibano], Accountant, DSWD Field Office NCR – inefficiency and incompetence in the performance of official duties, simple discourtesy in the court — in the course ito — in the course of official duties,” ayon sa Pangulo.

 

“Ricky Bunao, Officer V ng Center Head of Haven for Elderly, DSWD – serious dishonesty, grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service. Six months. I will ask for the papers, ipa-forward sa opisina ko sa Pasig River diyan. I will terminate them; Evelyn Santoyo, Municipal Link, DSWD – disgraceful and immoral conduct. Ano kayang ginawa nito niya? Disgraceful and immoral conduct, suspended for six months; Si Asela Bela Tse, Provincial Link, DSWD Field Office – serious dishonesty. Well, of course, you have to go. I am asking the DSWD General Bautista to send me the papers. I will try to review and baka i-overhaul ko kayo at I will decide to dismiss them; Ben Calzado, Warehouse Manager, DSWD Field Office – inefficiency, incompetence in the performance of official duties. Suspended for one year. Incompetence. Ewan ko kung madala pa ba ito at Carmelita Roxan Cruz, Provincial Development Officer, DSWD Field Office 10 – serious dishonesty, grave misconduct, contracting loans of money or other property from persons with whom the office of the employee has business relations. This is a serious offense. Tama ‘yan, dismissed from the service. No motion for reconsideration ‘yan. Iyan na muna. DSWD ‘yon” litaniya ng Pangulo.

 

Aminado ang Pangulo na maraming filipino na matatalino subalit walang trabaho.

 

“Diyan sa Civil Service, maraming nakalista diyan first grade eligible na hanggang ngayon hindi pa nakakita ng trabaho,” anito.

 

Kaya nga, ang suhestiyon niya sa mga first grade eligible ay mag-apply na kaagad sa Civil Service at , huwag nang maghanap ng padrino para makakuha ng trabaho.

 

“Huwag ng mag-padrino-padrino. Mag-apply kayo sa Civil Service, the Civil Service will check the recommendations and I’ll appoint you.

 

Hindi na ako maghanap ng — walang pulitika. Pagka magdala ka sa akin ng application tapos may sulat na ganito, “I endorse sa…” Wala ‘yan,” giit ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • 34 bidders lumahok sa PNR-Calamba project

    Nakatangap ang Department of Transportation (DOTr) ng 34 bidders para sa contract packages ng PNR-Calamba project kung saan inaasahang magsisimula ang construction sa susunod na taon.     May anim (6) na lokal at labing-pito (17) na internasyunal na mga kumpanya ang lumahok sa ginawang bidding.     Ang nasabing ginawang bidding ay para sa […]

  • Granular lockdown sa Navotas, ipinatupad

    Isinailalim sa granular lockdown ang sampung lugar sa Navotas city matapos tumaas ang bilang ng mga nagposito sa Covid-19 sa naturang mga lugar.     Ayon kay Mayor Toby Tiangco, kabilang sa mga ni-lockdown ang Navotas City Hall-February 23-March 9, 2021, Gov. Pascual Sipac Almacen mula  February 24 – March 10, 2021, Sioson St., Bangkulasi – […]

  • Kampanya laban sa terorismo paiigtingin pa ng gobyerno – PBBM

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na lalo pang palalakasin ng gobyerno ang kampanya nito laban sa teroristang grupo na patuloy na naghahasik ng karahasan.Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos binigyang pugay ang anim na sundalo na nasawi sa enkwentro laban sa teroristang Dawla Islamiyah sa Lanao del Norte.     Sinabi ng Pangulo kailanman […]