• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, payag na sa ospital na lamang magsuot ng face shield

KINUMPIRMA ni Presidential Spokesperson Harry Roque na payag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sa ospital na lamang magsuot ng face shield.

 

“I can only confirm what Senate President Tito Sotto and what Senator Joel Villanueva said earlier that the President did say.. that the wearing of face shield should only be in hospitals,” ayon kay Sec.Roque.

 

“What the President has decided, then that’s the policy. This is without prejudice to IATF appealing possibly noh? Alam ninyo kasi ang posisyon naman ng DoH, eh may mga pagkakataon naman talaga dapat eh isuot pa talaga ang face shield, noh? At ito po iyong lalong-lalo na iyong kapag nasa indoors na maraming tao,” dagdag na pahayag ni Sec.Roque.

 

Ang posibleng magiging hakbang ng IATF sa usaping ito ay umapela sa sinabi ng Pangulo.
Nauna na itong inihayag ni Senate President Vicente Sotto III sa kanyang Twitter post.
Tinawagang pansin pa ni Sotto ang Department of Health (DOH) sa kanyang naturang post.
Sa kabilang dako, hindi pa kinukumpirma ng Malakanyang ang naturang pahayag ni Sotto.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na pag-uusapan nila ang bagay na ito mamaya sa pulong ng IATF at sakaling magkaroon ng bagong panuntunan ay agad nila itong ilalabas.
Una rito, may mga grupo at indibidwal nang nagsusulong na payagan na ang hindi pagsusuot ng face shield sa pampublikong lugar.

 

Samantala, para naman kay UP-OCTA Research Team Fellow Prof. Ranjit Rye hindi pa napapanahon para magluwag at magpakakumpiyansa kapag lumuwag na ang health protocols sa bansa.

 

Pahayag ito ni Rye matapos na sang-ayunan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na i-require ang pagsusuot ng face shields sa mga pampublikong lugar maliban sa mga ospital.

 

Sabi ni Rye, bago magluwag dapat na ikonsidera ng pamahalaan na may mga variants pa ng COVID-19 ang kumakalat sa mundo.

 

Bukod dito, masyadong atrasado ang pagbabakuna sa bansa kaya hindi pa dapat pinag-uusapan ang pagluluwag sa mga health protocols.

 

Giit pa ni Rye, dapat na kumonsulta muna sa mga health experts at sumunod sa rekomendasyon ng mga ito. (Daris Jose)

Other News
  • World champ sprinter Coleman iaapela ang 2-year ban

    IAAPELA umano ni world champion sprinter Christian Coleman ang ipinataw sa kanyang two- year ban sa athletics bunsod ng anti-doping violations, ayon sa kanyang manager.   “The decision of the Disciplinary Tribunal established under World Athletics Rules is unfortunate and will be immediately appealed to the Court of Arbitration for Sport,” ani Emanuel Hudson.   […]

  • Delos Santos, nakakuha ng gold medals sa online competition

    Muling nakakuha ng gold medal si Filipino karateka James delos Santos.     Nakamit nito ang panalo sa First Inner Strenght Martial Arts International eTournament.     Tinalo nito si Nejc Sternisa ng Slovenia.     Ito na ang pangalawang gintong medalya na kaniyang nakamit ngayong taon na ang una ay noong 2021 SportsData eTournament […]

  • Target na maipatupad ang 3-strike ng Radio-Frequency Identification o RFID

    Sa darating na Pebrero 22, 2021 target na maipatupad ang 3-strike policy para sa mga motoristang gumagamit ng Radio-Frequency Identification o RFID.     Ito ang kinumpirma ni Transportation Usec. For Finance Garry de Guzman sa pagdinig ng House Committee on Transportation.     Ayon kay de Guzman, hindi pa nasisimulan ang polisiya dahil magkakaroon […]