• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, pinangunahan ang pag- arangkada ng National Vaccination day

PANGUNGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pag-arangkada ng 3-day national COVID-19 vaccination drive na nagsimula, Nobyembre 29.

 

Sa katunayan, personal na pupuntahan mamayang hapon ni Pangulong Duterte ang isang vaccination site sa bandang South ng Kalakhang Maynila.

 

Bahagi ito ng pakikiisa at partisipasyon ng Pangulo sa tatlong araw na National Vaccination day na tinaguriang Bayanihan, Bakunahan.

 

Sinasabing, isang shopping mall sa Antipolo na dati ng ginawang vaccination site ang pupuntahan ng Punong Ehekutibo mamayang hapon at doon ay inaasahang kakamustahin nito ang itinatakbo ng vaccination sa lugar.

 

Asahang makakasama mamaya ng Punong Ehekutibo ang ilang miyembro ng gabinete.

 

Sa kabilang dako, hindi naman malinaw pa sa ngayon kung sasalang din sa pagbabakuna ang Presidente para sa kanyang booster shot kaugnay ng kanyang dadaluhang event.

 

Ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Seretary Karlo Nograles, nasa personal physician na ng Presidente ang pagpapasya kung kailan ito tuturukan ng booster shot.

Other News
  • Task Force PhilHealth, kailangang maging maingat sa imbestigasyon

    KAILANGANG maging maingat ng Task Force PhilHealth sa ginagawa nitong imbestigasyon hinggil sa uma­no’y overpriced purchase ng IT system na umabot ng P2 billion.   Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na kailangan na mayroong matibay na  ebidensya at hindi lamang testimonya dahil medaling magsalita.   Kailangan aniya ay  “backed up by documents, paper trail.”   “Alam mo, […]

  • 3 illegal na nangingisda sa Navotas, timbog sa Maritime police

    ARESTADO ang tatlong kalalakihan matapos maaktuhang illegal na nangingisda sa karagatan na sakop ng Navotas City, kaugnay sa All Hands Full Ahead na ikinasa ng mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police Station/Maritime Law Enforcement Team MLET BASECO.     Ayon sa inisyal na report, nagsagawa ng Seaborne Patrol Operation ang mga tauhan ng MLET […]

  • Durian business deal na naisara sa pagtungo ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr sa China, umaarangkada na. Tone- toneladang durian, sinimulan ng i-export

    NAGSIMULA nang i-export ng Pilipinas ang tone – toneladang durian sa China na pawang mula sa Mindanao.   Tinatayang 28-toneladang durian cargo o nasa 28 libong kilo ng durian ang dinala na sa China at inilipad via Davao International Airport matapos na pumasa sa General Administration Customs of China.   Kamakalawa, Sabado de Gloria ay […]