PDu30 ,’satisfied, very happy’ sa achievements ng kanyang administrasyon- CabSec Matibag
- Published on June 1, 2022
- by @peoplesbalita
“SATISFIED” at “very happy” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa naging performance ng kanyang gobyerno sa nakalipas na anim na taon.
Sinabi ni Cabinet Secretary Melvin Matibag na “very delighted” si Pangulong Duterte matapos na iprisinta ng kanyang mga cabinet members ang kanilang accomplishments sa isinagawang huling “full Cabinet meeting”, Lunes ng gabi.
“I think he is satisfied, he is very happy. He personally thanked ‘yung mga Cabinet official who made a lot of sacrifices. For one, si [DSWD] Secretary Rolly Bautista very quiet but very effective. Of course si Secretary Tugade, economic team,” ayon kay Matibag.
“Lahat naman na tumulong at nagsakripisyo for him to fulfill ang promise n’ya sa ating mga taumbayan noong sya’y kumandidato noong 2016,” dagdag na pahayag ni Matibag, isa ring secretary-general ng PDP-Laban ng Duterte party.
Sinimulan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang “Duterte Legacy Summit” sa Pasay City, kung saan dumalo ang piling Cabinet officials at iprisinta ang kanilang cluster’s achievements simula 2016. Magtatapos ito sa araw ng Martes.
Araw ng Lunes, tinalakay ng mga opisyal ang fiscal position ng bansa improvement sa transport sector, COVID-19 response, at milestones sa infrastructure drive na “Build, Build, Build” ng gobyernong Duterte.
“The infrastructure program, which was hoped to spur economic growth in by providing jobs and boosting spending, has completed 15 out of 112 projects in the pipeline as of January this year,” ayon sa Senate Economic Planning Office.
“The incoming Marcos administration meanwhile will inherit at least P12 trillion in debt. The country has been borrowing heavily in the last few years due to its COVID-19 response and recovery efforts, and the infrastructure program launched prior to the pandemic,” ayon naman sa ulat.
Subalit, sinabi naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ang outgoing President ay mag-iiwan ng isang “far better Philippines” kumpara sa dating administrasyon, o administrasyon na pinalitan ni Pangulong Duterte.
“Our administration, just like any, had many ups and downs. But what is certain is that [the] Duterte administration is leaving behind a far better Philippines than was what handed over to us 6 years ago,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
ALPHA KAPPA RHO FRATERNITY NAG DIDIRIWANG NG IKA-48TH FOUNDING ANNIVERSARY
Ang ALPHA KAPPA RHO International Humanitarian Service Fraternity and Sorority ay nag didiriwang ng kanilang ika-apat napu’t walong anibersaryo. Bagama’t pandemya ay hindi naman papapigil ang mga AKRHO para ipag diwang ang kanilang anibersaryo. Sa pangunguna ng Valenzuela Skeptron Council 8309 at ang mga officers na sila Chairman Edmar Jimenez, Vice Chairman District 1 […]
-
Nag-reminisce sa 15 years na ‘di nagkita: GABBY, palaging concern sa happiness ni KC
ANG Kapuso love team and real couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, ang bibida sa “The Cheating Game,” ang first movie offering this 2023, ng GMA Public Affairs, na pioneer in documentary, talk and news magazine programming. First movie team-up din naman ito nina Julie Anne at Rayver, na […]
-
2 timbog sa baril at shabu
Dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang arestado matapos makumpiskahan ng baril at shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis sa Malabon city, kahapon ng umaga. Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Ernani Panes, 27 ng 1036 Arlegui St. Quiapo, Manila at Erwin […]