PDu30, tatakbong senador sa 2022 elections
- Published on November 18, 2021
- by @peoplesbalita
TULOY na ang pagsabak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagka-senador sa 2022 national at local elections.
Sa katunayan, naghain na si Pangulong Duterte ng kanyang certificate of candidacy para tumakbo sa pagka-senador Eleksyon 2022.
Kinumpirma ni Senador Bong Go ang paghahain ng certificate of candidacy ng Pangulo sa Commission on Elections’ headquarters sa pamamagitan ng isang abogado na nagngangalang Atty. Melchor Aranas.
Ayon kay PDP-Laban secretary-general Melvin Matibag, tatakbo si Pangulong Duterte sa pagka-senador sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS), isang nagngangalang Mona Liza Visorde ang gjnawan ng substitution ng Pangulo.
Sinabi ni Matibag na tatakbo ang Pangulo sa PDDS upang maiwasan ang “legal complications” bunsod na rin ng hidwaan sa loob ng PDP-Laban, gayundin ang naging raskn ni Go nang maghain ito ng COC sa pagka-pangulo sa ilalim ng ibang partido.
Nauna rito, sa text message, sinabi ni Go na ayaw niyang maghain ng VP si Pangulong Duterte dahil ayaw niyang magkasakitan ang mag-ama.
“Ayaw ko din VP file nya. Ayaw ko magkasakitan pa. Tama na ako ang nasaktan. Mataas ang respeto ko kay Pangulo at pamilya,” anito.
“Sana senador na. U may quote na,”dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Magsayo, PH 11 pasiklab sa Enero
SINA professional boxer Jessel Mark ‘Magnifico’ Magsayo at national women’s football team ang mga nagpasimula sa pasiklab ng mga atletang Pinoy sa 2022 nang maghati sa karangalan sa Enero. Ipinagpatuloy nila ang malalaking tagumpay ng mga kapwa manlalaro sa nakaraang taon makalipas masikwat ni Magsayo ang World Boxing Council (WBC) featherweight title sa […]
-
Kaya sa ‘Pinas na lang sila magho-Holy Week: MICHAEL V., takot na maging biktima uli ng hold-up
MAY dahilan si Michael V. kung bakit mas gusto raw niyang sa Pilipinas na lang sila mag-spend ng Holy Week ng kanyang pamilya. Ayon sa Kapuso comedian, takot daw siyang maging biktima ng hold-up ulit. Hindi naman tinukoy ni Bitoy kung saan naganap ang pangho-hold-up sa kanya, pero nangyari daw iyon […]
-
DOTr lumagda sa kontrata para sa pagbili ng 304 railway train cars ng NSCR project
LUMAGDA sa isang kontrata ang Department of Transportation (DOTr) upang bumili ng 304 railway train cars na gagamitin sa North-South Commuter Railway (NSCR) project. Ayon sa DOTr, ang NSCR project ay malayo na ang narating para sa development nito dahil nauna ng kumuha ang ahensya ng eight-car Electric Multiple Unit na gagamitin naman […]