PDu30, tiniyak ang tapat, mapayapa at kapani-paniwalang halalan sa Mayo 2022
- Published on February 23, 2022
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Filipino na sisiguraduhin ng kanyang administrasyon ang tapat, mapayapa at kapani-paniwalang halalan sa May 9, 2022.
Idagdag pa rito ani acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pagsasagawa ng electoral exercise na ganap na aayon o susunod sa requirements ng Konstitusyon at batas.
Gayundin, nangako ang Pangulo na ang pagpili sa appointees sa mga posisyon na binakante ng kamakailan lamang na retired officials ng Commission on Elections ay magiging “completely transparent,” kung saan ang mga kandidato ay sasailalim sa “stringent merit-based vetting process.”
Matatandaang, opisyal nang nagretiro sina Comelec Chairman Sheriff Abas, Commissioners Rowena Guanzon at Antonio Kho Jr. sa kani-kanilang puwesto.
Ang pagreretiro ng tatlong opisyal ay nag-iwan sa kasalukuyang apat na komisyoner na mamuno sa poll body sa pagsasagawa ng 2022 national at local elections. Lahat sila ay appointees ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang apat na komisyoner na natitira ay sina Commissioners Socorro Inting, Marlon Casquejo, Aimee Ferolino, at Rey Bulay.
Ang pagtatalaga ng pangulo ng mga bagong komisyoner ay sasailalim sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments (CA) — isang body na binubuo ng mga mambabatas mula sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso. (Daris Jose)
-
Pacquiao No. 3 sa Top 10 Richest Boxer
Muling napasama si Manny Pacquiao sa listahan ng pinakamayayamang boksingero sa mundo. Retirado na si Pacquiao sa boxing at nakasentro ang atensiyon nito sa buhay pulitika sa kasalukuyan. Matatandaang bilyon ang kinita ng eigth-division world champion sa mahigit dalawang dekadang karera nito sa boxing. Kaya naman sumampa ang Pinoy […]
-
Lalaki na nagwala habang may bitbit na baril sa Navotas, kulong
HINDI umubra sa mga pulis ang pagiging siga-siga umano ng isang lalaki matapos magwala habang iwinawasiwas ang bitbit na baril sa Navotas City. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong suspek na si alyas “John”, 26, residente […]
-
Pinas, nakakuha ng ₱9-B loan mula France
NAKAKUHA ang Pilipinas ng €150-million o mahigit na ₱9 billion policy-based loan mula France para idagdag at gamitin sa “climate change mitigation at adaptation.” Sinabi ng French Development Agency (AFD) na nagsagawa ito ng ceremonial exchange of documents sa Department of Finance sa loan na tinintahan noong nakaraang Disyembre 29, 2022. Naglalayon itong tulungan ang […]