PDu30, tiwala pa rin kay Diokno
- Published on January 23, 2021
- by @peoplesbalita
NANANATILING nagtitiwala pa rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na nahaharap ngayon sa reklamong paglabag sa anti-graft and practices act law sa Ombudsman dahil sa di umano’y anomalyang kontrata para sa produksyon ng national identification cards.
Nanindigan si Presidential spokesperson Harry Roque sa integridad ni Diokno at kumpiyansa ito na masasagot ni Dokno ang mga alegasyon laban sa kanya.
“Kung maaalala nyo, si Governor Diokno until fairly recently was in the Cabinet enjoying the full trust and confidence of the President. In fact, he trusted him so much that he promoted him to become Central Bank Governor,” ayon kay Sec. Roque.
Kamakailan ay naghain ng medical leave si Diokno para alisin ang blood clot matapos ang minor accident.
“So naninindigan po tayo sa integridad ni Governor Diokno at alam naman natin na karapatan ng kahit sinong mamamayan na magsampa ng kaso pero kampante po kami at nagtitiwala na magbibigay linaw po si Governor Diokno sa issue na ito,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Samantala, pinaratangan ni Ricardo Fulgencio IV, chairman ng Stop Corruption Organization of the Philippines Inc., si Diokno at anim na BSP officials na pinaboran ang OVD Kinegram AD para sa card production ng national IDs.
Sinabi ni Fulgencio na ang P1.75 billion contract ay in-award sa nasabing kompanya nang walang kaukulang public bidding na ipinagbabawal sa procurement laws. (Daris Jose)
-
Proteksyon para sa mga mamamahayag laban sa banta at pananakot, panawagan ni PDu30
NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng proteksyon para sa mga mamamahayag laban sa banta at pananakot. Ang panawagan ng Pangulo ay bahagi ng kanyang mensahe sa pagdiriwang ngayon ng World Press Freedom Day. “This year’s theme affirms the nature of news and information as a public good that must be utilized effectively […]
-
2023 Budget pirmado na ni Mayor
NILAGDAAN na ni Manila Mayor Maria Sheila “Honey” Lacuna-Pangan ang budget ng pamahalaang lungsod para sa taong 2023 na nagkakahalaga ng P22.2 bilyon, na ang halos kalahati ay nakalaan para sa serbisyong panlipunan at pang-kalusugan. “Isinumite natin ito sa Sangguniang Panlungsod at kaagad naman nilang tinalakay, sinuri, pinag-aralang maigi at ipinasa sa kanilang […]
-
Mga hagdan sa Manila North Cemetery, pinagkukumpiska
Pinagkukumpiska ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang mga hagdan na ginagamit na pasukan sa ‘backdoor’ ng Manila North Cemetery (MNC) makaraang ipag-utos ang pagsasara ng lahat ng sementeryo sa Metro Manila ngayong Undas. Unang nakipag-ugnayan si MNC Administrator Yayay Castaneda sa Sta. Cruz Police Station 3 makaraan ang ulat na […]