• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pdu30, walang paki sa Pharmally

WALANG pakialam si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung banatan man ng Senado ang kompanya na sumasailalim ngayon sa sinasabing nag-suplay ng overpriced medical goods sa gobyerno nang pumutok ang COVID-19 crisis noong nakaraang taon.

 

Pilit kasing hinahanap ng mga senador ang namamagitang ugnayan sa pagitan nina dating economic adviser to the president Michael Yang at Pharmally Pharmaceuticals Corp., na nakasungkit ng P8.6 bilyong pisong kontrata kabilang na ang iba pang mga may kinalaman sa suplay ng sinasabing overpriced anti-COVID masks at face shields noong nakaraang taon.

 

Sa kanyang Talk to the People, araw ng Martes ay sinabi ng Chief Executive na ang pandemic deals ng pamahalaan ay ginawa alinsunod sa itinatadhana ng batas at maging ng pagpe-presyo.

 

“Para sa akin, tapos na kami. Iyang Pharmally ninyo, pati droga, bahala kayo, wala akong pakialam n’yang Pharmally… You can crumple Pharmally, wala kaming pakialam d’yan,” ani Panglong Duterte.

 

“Ang pakialam namin, nag-order kami, dumating, tama ‘yong order, ta’s ang presyo negotiated,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa kabilang dako, kumbinsido naman ang Pangulo na habambuhay na mawawala ang kredibilid ni Gordon dahil sa pakikinig sa sinibak na si policeman Eduardo Acierto, na nag-ugnay kay Yang sa narcotics trade.

 

“Gordon is in cahoots with criminals and ‘yong fabricated stories,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

“I would just like also to remind Senator Gordon na I will campaign against you for being unfit to be a senator of this republic,” aniya pa rin.

 

Samantala, giit ng Pangulo, kailangan na kumuha muna ng clearance mula sa kanya ang mga opisyal ng pamahalaan bago dumalo sa Senate probe.  (Daris Jose)

Other News
  • Hidilyn, magsasanay muli sa Malaysia para sa torneyo sa Peru

    Babalik na sa pagsasanay sa Kuala Lumpur si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz sa susunod na buwan.     Ito ay bilang bahagi ng kanilang pagsabak sa World Championships sa Peru sa buwan ng Nobyembre.   Ayon kay Samahang Weightlifting ng PIlipinas (SWP) president Monico Puentevella na bukod sa Peru ay paghahandaan din nito ang […]

  • Ads November 10, 2023

  • P272 milyon lang nagastos sa kampanya ni BBM

    KUNG ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) nina president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paniniwalaan, umabot lang sa P272 milyon ang nagastos nila para sa eleksyong 2022.     Ito ang isiniwalat ni George Briones, general counsel ng PFP, sa ulat ng ABS-CBN News pagdating sa kanilang statement of contributions and expenditures (SOCE) na ihahain […]