• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU3O, nakiisa sa mga Kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Ramadan ngayong buwan

“In the name of Allah, the Most Gracious, the Most Merciful, may peace, mercy and blessings be upon you all on the holy month of Ramadan”

 

 

Ito ang naging pagbati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga kapatid na Muslim na nagsimula nang magdiwang ngayon ng banal na buwan ng Ramadan.

 

 

Aniya, ang buong bansa ay nakikiisa sa mga kapatid na Muslim sa paggunita ng rebelasyon ng Quran sa Prophet Mohammad. Isa sa Five Pillars ng Islam.

 

 

Ang panahon aniya ngayon ng paga-ayuno ay nagpapaalala sa lahat ng kahalagahan ng pagsasakripisyo, pagiging masunurin at kawanggawa sa pang-araw-araw na pamumuhay.

 

 

“As we mark this holy occasion, I ask everyone to promote solidarity among all Filipinos by manifesting faith through action and by fostering peace, hope and unity as we face the most challenging of times. Let us all come together and channel the spirit of Ramadan by helping those who are less fortunate and most in need,” ang bahagi ng mensahe ng Pangulo.

 

 

Umaasa ang Pangulo na makasusulong ang lahat na may tapang, pag-asa at kumpiyansa dahil sa ang biyaya ng Ramadam ay may dalang kapayapaan at kasaganahan sa buong bansa.

 

 

“May we all have a meaningful observance. Ramadan Mubarak!,” ang pagbati ni Pangulong Duterte.

 

 

Samantala, nakiisa rin ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa mga kapatid na Muslim na nagdiriwang ngayon ng banal na buwan ng Ramadan

 

 

“We join our brothers and sisters in this period of heightened spiritual devotion and worship to the Most Gracious and Most Merciful Allah as they observe the start of Ramadan,” ayon kay PCOO Sec.Martin Andanar.

 

 

Ang okasyong ito aniya ay panawagan ng pagmumuni-muni at repleksyon – isang mataimtim na panahon para muling bisitahin ang rebelasyon ni Allah na may ” renewed faith and commitment.”

 

 

“May Allah’s holy teachings be a guiding light for our fellow Muslims towards leading a life of purity and clarity,” ayon kay Andanar.

 

 

Mangyari rin aniya na ang panahon na ito ang makapagpalakas sa pagkakaisa, kapayapaan at pakikiisa sa kapuwa lalo na ngayong panahon na nagtitiis ang lahat sa epekto ng Covid-19.

 

 

“May we also achieve more progress towards creating an equitable and inclusive society,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, hiniling naman ni Andanar sa lahat ng mago-obserba ng Ramadan na patuloy na sundin ang minimum health standards para makabangon at maka-recover bilang isang bansa.

 

 

“We wish everyone a solemn, blessed, and safe occasion,” ang pagbati ni Andanar. (Daris Jose)

Other News
  • 1.1 milyong passport slots hanggang Disyembre, binuksan

    NAGBUKAS  ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng mas maraming passport appointment slots simula ngayong linggo hanggang Disyembre 2022.     Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi bababa sa 800,000 slots ang ginawang available bilang bahagi ng pagsisikap ng DFA na pahusayin ang kasalukuyang serbisyo ng consular.     Plano rin ng […]

  • Overwhelmed sa mga papuring natatanggap: JAKE, sobrang tapang kaya ‘di matatawaran ang pagiging aktor

    HINDI talaga matatawaran ang pagiging isang ‘actor’ ng isang Jake Cuenca.      Talagang siya ‘yung tipo ng artista na napaka-seryoso sa kanyang propesyon. Never na nagpa-petiks-petiks.     Bukod dito, siya rin ang actor sa mga kasabayan na lang niya na napakatapang. Kung tinatanggihan ng iba, si Jake, niyayakap niya ang mga roles na […]

  • 4 NA BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING NASABAT SA CLARK AIRPORT

    NASABAT ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark Airport  ang apat na kababaihan na Overseas Filipino Workers (OFW) na nagpakita ng mga travel documents taliwas sa kanilang tunay na  edad.       Sa ulat kay BI Commissioner Jaime Morente ni  BI Travel Control and Enforcement Unit Officers Clarissa Bartolome at  Kristan […]