• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pebrero, sinalubong ng malakihang taas-presyo sa LPG

SINALUBONG ng malakihang-pagtaas sa presyo ng liquefied pet­roleum gas (LPG) ang unang araw ng buwan ng Pebrero.

 

 

Ito’y isang araw lamang matapos na magpatupad din ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa.

 

 

Ayon sa Petron at Phoenix, nagpatupad sila ng P11.20 na taas-presyo sa kada kilo ng LPG at P6.25 sa kada litro ng auto-LPG simula alas-12:01 ng hatinggabi ng Miyerkules.

 

 

Ganap na alas-6:00 ng umaga naman nang magpapatupad ang Solane ng P11.18 taas-presyo sa kada kilo ng kanilang LPG.

 

 

Samantala, P5.50 naman ang idinagdag ng Cleanfuel sa presyo ng auto-LPG simula alas-8:01 ng umaga.

 

 

Nabatid na ang pagmahal ng LPG ay bunsod pa rin ng pagtaas ng demand sa China dahil sa pagbubukas ng ekonomiya sa kabila ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • Gilas tutok na sa Saudi

    SESENTRO  na ang a­ten­siyon ng Gilas Pilipinas sa pagsagupa sa Saudi Arabia ngayong gabi sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa King Abdullah Sports City sa Jeddah, Saudi Arabia. Maghaharap ang Pilipinas at Saudi Arabia sa alas-7 ng gabi (alas-12 ng madaling-araw sa Maynila) kung saan target ng Gilas Pilipinas na walisin ang dalawang misyon […]

  • Ads September 23, 2024

  • 2 DRUG SUSPECTS NALAMBAT SA HIGIT P.9M SHABU

    Dalawang drug suspects ang  nalamabat ng mga awtoridad matapos bentahan ng shabu ang isang police poseur-buyer sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.   Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas na ang pagkakaaresto kay Albert Ryan Pascual, 45 […]