Pekeng DepEd scholarship kalat online
- Published on February 21, 2024
- by @peoplesbalita
BINALAAN ng Department of Education (DepEd) ang publiko laban sa pekeng DepEd scholarship posts na kumakalat ngayon online.
Sa abiso ng DepEd, pinaalalahanan nito ang publiko na maging vigilante laban sa misinformation.
Sa naturang pekeng posts, nakasaad na ang DepEd ay may alok na scholarship ngayong taon.
Nakasaad din na lahat ng estudyante na nag-aaral ay dapat na mag-aplay dito gamit lamang ang kanilang school IDs.
Anito pa, sakaling makakuha ng DepEd scholarship, makakatanggap umano ng P5,000 ang mga elementary students, P7,000 ang mga high school students, habang tig-P10,000 naman ang makukuha ng mga college at vocational students.
Ang pekeng post ay may kasama pang larawan ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na nakasuot ng berdeng t-shirt at ang kanang kamay ay nakataas sa kanyang kaliwang dibdib.
Abiso naman ng DepEd, sinabi nito na, “The Department of Education (DepEd) warns the public about the FAKE DepEd scholarship posts circulating online. DepEd reminds everyone to stay vigilant against misinformation.”
Dagdag pa ng ahensiya, ang mga opisyal nilang anunsiyo at impormasyon ay maaaring makita sa kanilang Facebook page na fb.com/DeparmentOfEducation.PH, X account na twitter.com/DepEd_PH, Instagram account na instagram.com/depedphilippines, at website na www.deped.gov.ph.
Umapela rin ang DepEd sa publiko na kaagad na ireport ang anumang nalalaman nilang misleading at suspicious information hinggil sa basic education sa depedactioncenter@deped.gov.ph.
-
Beauty contestant sa noontime show, iimbitahan ng Comelec dahil sa kawalan ng kamalayan sa Comelec
IIMBITAHAN ng Commission on Election (Comelec) ang isang beauty contestanat sa isang noontime show na umaming walang halos kamalayan sa Comelec. Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na darating ang contestant bukas, Marso 4, mula Pampanga. Sa nasabing noontime show, tinanong ng host ang 20 anyos na contestant kung ano ang mensahe nito […]
-
TOM at ZENDAYA, nadi-date na at nahuling naghahalikan sa loob ng kotse kaya nag-trending ang #Tomdaya
NAG-TRENDING sa social media ang #Tomdaya dahil sa pagkumpirmang nagde-date na ang Spider-Man star na si Tom Holland at ang co-star niya na si Zendaya. Namataan sina Tom at Zendaya na naghahalikan sa loob ng Audi sports car sa Los Angeles. Ang photographer na nakakuha ng photo ay natiyempuhan ng laplapan ng dalawa […]
-
HALOS P78-B NAI-RELEASE NA SA GOV’T RESPONSE VS COVID-19 PANDEMIC – DUTERTE
UMAABOT na sa halos P78 billion ang nailabas ng gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 pandemic. Nakapaloob ito sa ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na ipinadala kahapon. Sinabi ni Pangulong Duterte, nasa P76.228 billion ay galing sa pondong inilaan sa Bayanihan to Recover as One Act habang ang P1.753 billion ay mula […]