Pelicans star Williamson umalis sa “Bubble”
- Published on July 20, 2020
- by @peoplesbalita
Nilisan ni New Orleans Pelicans rookie Zion Williamson ang “Bubble” sa Walt Disney sa Orlando, Florida upang umano’y tugunan ang problemang medical ng kanyang pamilya.
Ayon sa ulat, suportado ni Pelicans executive vice president of basketball David Griffin ang ginagawang pag-alis ni Williamson sa Orlando upang makasama ang kanyang pamilya.
“Tama lamang na unahin muna nito ang emergency ng pamilya sa ngayon at inaasahan naming babalik ito para maglaro at muling sasailalim sa COVID-19 testing bago magsimula ang National Basketball Association (NBA),” ani Griffin.
Bilang respeto umano kay Williamson, hindi muna isiniwalat ng NBA ang detalye sa tunay na dahilan sa paglabas ng rookie player sa “Bubble.”
Sinabi ng NBA na muling sasailalim ang manlalaro sa 10 araw na quarantine kapag bumalik sa Orlando upang masiguro na hindi ito naghawahan ng coronavirus disease.
Itinuturing na susunod sa yapak ni NBA star LeBron James, ang 20-anyos na si Williamson ay kumakamada ng average na 23.6 points, 6.8 rebounds at 2.2 assists.
-
Ads April 17, 2024
-
Bulacan, sumailalim na sa alert level 2
LUNGSOD NG MALOLOS – Isinailalim na ang Bulacan sa Alert Level 2 alinsunod sa alituntunin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). “Napababa na po natin ang mga kaso, nasa low risk na po tayo. Nasa 26 na lamang ang ating positivity rate. Ang ating average daily attack rate ay nasa […]
-
China, ibinasura ang ‘unwarranted accusation’ ng Pinas ukol sa fishing ban
IBINASURA ng China ang “unwarranted accusation” o protesta ng gobyerno ng Pilipinas laban sa unilateral imposition nito sa fishing ban sa mga lugar na extended sa West Philippine Sea (WPS). Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian na ang naging deklarasyon ng Beijing na fishing ban, na naging epektibo noong Mayo 1 […]