• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PELIKULANG MAID IN MALACANANG, HUWAG PANOORIN PANAWAGAN NG OBISPO

NANAWAGAN  ang isang Obispo na huwag tangkilikin ang kontrobersyal na pelikulang “Maid in Malacañang.”

 

 

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, inilarawan nito  ang  pelikula bilang “shameless,” at nanawagan sa mga tao sa likod nito na mag-isyu ng paghingi ng tawad.

 

 

“The producer, scriptwriter, director and  those promoting this movie should publicly apologize to the Carmelite nuns, to President Cory Aquino’s family and to the Filipino people,” sabi ng prelate ayon sa CBCP News..

 

 

Nag-react ang prelate sa trailer ng pelikula na naglalarawan sa yumaong pangulo na naglalaro ng mahjong kasama ang isang grupo ng mga madre.

 

 

Humingi ng kanlungan si Aquino  sa monasteryo ng Carmelite sa Cebu noong 1986 Edsa People Power Revolution kung saan natulog ito ng magdamag.

 

 

Hinamon ng Obispo ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB na nasa ilalim ng Office upang kumilos sa isyu at gamitin ang mandato nito.

 

 

“Would the MTRCB act responsibly on this and perform its mandated duty?” pagtatanong pa ni Bishop Alminaza. (Gene Adsuara)

Other News
  • Pilipinas magpapadala ng 814 atleta para sa 32nd SEA Games sa Cambodia

    AABOT sa 814 na atleta ang ipapadala ng bansa para sa pagsabak sa 32nd Southeast Asian Games sa susunod na taon sa Cambodia.     Ito ang napagpasyahan sa dalawang consultative meeting ng national sports associations.     Mayroong 49 sports ang lalaro sa Cambodia na magsisimula mula Mayo 5 hanggang Mayo 15.     […]

  • Hirit na pagbuwag sa IATF, hindi maituturing na constructive criticism -Malakanyang

    POLITIKA ang nangingibabaw na motibo para sa panawagang buwagin ang Inter-Agency Task Force (IATF).   Hindi kasi makita ng Malakanyang na isang constructive criticism ang panawagang buwagin ang IATF.   Kumbinsido si Presidential Spokesperson Harry Roque na pamumulitika ito lalo pa’t ang mga nananawagan at patuloy na pumupuna sa Task Force ay may kani- kanya […]

  • No. 3 most wanted person ng NPD, nadakma ng Valenzuela police sa Pasay

    WALANG kawala ang 29-anyos na lalaki na tinaguriang No. 3 most wanted sa Northern Police District (NPD) matapos madakma sa ikinasang manhunt operation ng mga tauhan ng Valenzuela police sa Pasay City.     Kinilala ni P/Lt. Robin Santos, hepe ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS) ang naarestong akusado na si Nelvin Aure […]