• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Perfect ambassador’ para sa Earth Hour: PABLO, mangunguna sa annual switch-off event sa Maynila

IBA talaga ang lakas ng impact ng SB19, buong grupo man o solohan.

 

 

Ang leader kasi ng grupo na si Pablo ay napili para sa Earth Hour celebration ngayong taon bilang ng World Wide Fund for Nature Philippines (WWF-PH) bilang pinakabagong music ambassador para sa Earth Hour Philippines 2024.

 

 

Si Pablo ang mangunguna sa annual switch-off event sa Maynila sa March 23.

 

 

Ayon sa Earth Hour Philippines national director na si Atty. Angela Consuelo Ibay, si Pablo ang “perfect ambassador” para sa Earth Hour dahil nire-represent niya ang passion at resilience ng mga Pilipino.

 

 

Lahad ni Atty. Ibay, “As SB19’s songwriter, creative director, and CEO of their label, Pablo has masterfully infused his music with Filipino culture, flavor, and style.

 

 

“Earth Hour is a global grassroots movement for the environment and we celebrate it in our own unique Filipino way. Pablo is the perfect ambassador for Earth Hour.”

 

 

Samantala, ibinahagi ni Pablo sa kanyang Facebook page ang tungkol sa Magandang balitang ito.

 

 

“I have been chosen as your Earth Hour Philippines 2024 music ambassador,” umpisang anunsiyo ni Pablo. “And gusto ko lang po sabihin na sobrang nagagalak po talaga ako ngayon at talaga namang nakakataba ng puso na maging parte ng ganitong klaseng movement.

 

 

“But the real reason I’m making this announcement right now is not just about me, it’s about all of us making a real difference. This coming March 23 po at 8:30 p.m. sana po ay masamahan niyo kami. Let’s all team up and switch off those lights. And siyempre po ay sabay-sabay rin nating i-let go ang paggamit ng mga single use plastics para sa mas sustainable future.

 

 

“The event that will happen is not just about that one single hour but it’s about showing our love and support and our serious commitment pagdating sa ating planeta. Sana po ay magkita tayo riyan and let us all enjoy good music.”

 

 

***

 

 

MAY something in common ang Megastar na si Sharon Cuneta at ang baguhang female singer na si Ysabelle Palabrica.

 

 

Teenager si Sharon noong nagsimulang pasukin ang showbiz bilang mang-aawit na anak ng noo’y Mayor ng Pasay City na si Pablo Cuneta.

 

 

Fifteen years old (turning 16 in May) si Ysabelle at susubok rin ng kapalaran bilang isang singer, at tulad ni Sharon, alkalde rin ang ama ni Ysabelle na si Bingawan City (of Iloilo) Mayor Mark Palabrica.

 

 

Siya ba ang next Sharon Cuneta?

 

 

“Sana po,” ang nakangiti at tila nahihiyang sagot sa amin ni Ysabelle.

 

 

Wala raw siyang nadaramang pressure tungkol dito.

 

Napapanood raw niya ang mga pelikula at performances ni Sharon bilang aktres at singer.

 

“Ang galing niya po,” bulalas ni Ysabelle.

 

 

Magsisilbing mentor ni Ysabelle ang music icon na si Vehnee Saturno.

 

 

Si Vehnee ang composer ng maraming hit and classic songs na tulad ng Be My Lady (ni Martin Nievera), Forever’s Not Enough (ni Sarah Geronimo), Sana Kahit Minsan ( ni Ariel Rivera), Dahil Tanging Ikaw (ni Jaya), Till My Heartaches End (ni Ella May Saison), Bakit Pa (ni Jessa Zaragoza) at Kahit Konting Awa (ni Nora Aunor), among others.

 

 

Ang una sa nakalinyang project ni Vehnee para kay Ysabelle ay ang revival ni Ysabelle ng 1999 hit song na ‘Kaba’ na pinasikat ng 90s female singer na si Tootsie Guevarra at isinulat rin ni Vehnee.

 

 

Isa pa sa mga proyekto ni Ysabelle ay ang Youtube show “Krazy-x You” na para sa mga teens na katulad ni Ysabelle.

 

 

Ito ay sa direksyon ni Obette Serrano at concept ng manager ni Ysabelle na si Audie See.

 

 

Dito ay ipinakita naman ni Ysabelle ang nalalaman niya sa hosting at acting.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • RICHARD YAP, excited nang magtrabaho sa Kapuso network

    It seems handang-handa na si bagong Kapuso actor Richard Yap sa pagtatrabaho para sa kanyang first ever Kapuso show.  First time ni Richard na gaganap sa isang guest role sa well-loved comedy anthology na “Dear Uge.”    Inamin ni Richard na ngayong nakapirma na siya ng exclusive contract sa GMA -7, he is grateful na […]

  • ‘Shazam 2’ First Official Image Reveals All 6 Redesigned Superhero Suits

    DAVID F. Sandberg, director of Shazam: Fury of the Gods reveals the first official look at the entire Shazam family’s new costumes.     Following the success of 2019’s Shazam, Warner Bros. greenlit a sequel with Sandberg back at the helm.     The first movie followed the origins of young hero Billy Batson (Asher Angel), who […]

  • PHILHEALTH: ‘NAGBAYAD NA KAMI NG P1.6-BILLION SA PH RED CROSS’

    ITINANGGI ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na may utang pa silang higit P930-million sa Philippine Red Cross (PRC) para sa mga isinagawang COVID-19 tests ng private institution.   “As of September 2020, PhilHealth already paid the PRC a total of P1.6 billion for at least 433,263 tests,” ayon sa state- health insurer sa isang […]