• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Petecio, Diaz major awardees ng SMC-PSA

BOXING world champion at Olympic silver medalist ang mangunguna sa gagawaran ng major awards sa susunod na buwan sa taunang SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

 

Sila ay sina Nesthy Petecio at Hidilyn Diaz na kabilang sa 12 personaheng major awardees mula sa pinakamatagal na media organization sa bansa sa gala night sa Marso 6 na mga itataguyod ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, Rain or Shine, at Air Asia.

 

Ang dalawang babaeng atleta ay miyembro ng Team Philippines na kabilang sa Athlete of the Year award dahil sa matagumpay na pag-angkin sa 30th Southeast Asian Games 2019 overall title.

 

Nagwagi ang 27-anyos na si Petecio ng medalyang ginto sa featherweight sa AIBA Women’s World Boxing Championships sa Ulan-Ude, Russia noong Oktubre, habang nakapagbuhat si Diaz, 29, ng silver medal sa 2016 Rio Olympics at sa nakaraang taong Asian Championships at tanso sa World Weightlifting Championships.

 

Ang unang qualifier ng bansa sa Tokyo Olympics sa pole vault na si Ernest John Obiena ang isa rin sa mga major awardee dahil sa pagwawagi sa qualifying meet sa Chiara, Italy bukod pa ginto sa Asian Athletics Championship at Summer Universiade.

 

Dalawang iba pang world boxing champion ang nasa honor roll list — reigning International Boxing Federation (IBF) super-flyweight title holder Jerwin Ancajas at World Boxing Organization (WBO) bantamweight king Johnriel Casimero.

 

Major awardees din sa basketball ang bumubuo sa walang talo at sixth-time UAAP women’s champion National University, five-time PBA Philippine Cup winner San Miguel Beermen, at si five-time MVP June Mar Fajardo.
Kukumpleto sina golfers Juvic Pagunsan, Aidric Chan, at Princess Superal, pati na ang Horse of the Year na si Union Bell.

 

Kikilalanin din ang mga may special citation, magiging MILO Junior Athletes of the Year, ang regular na Tony Siddayao awardees, at ang Chooks-To-Go Fan Favorite Award.

Other News
  • Ukrainian refugees na umalis na sa bansa, papalo na sa 3-M

    PAPALO na sa tatlong milyon ang bilang ng mga Ukrainian refugee na umalis sa kanilang bansa, sa loob ng tatlong linggong pakikipagdigma ng Ukrain dahil sa pagsalakay ng Russia.     Sa datos ng UN Refugee Agency (UNHCR), nasa 2.97 milyon na mga tao na ang nakakalikas mula sa Ukraine at sinasabing posible pang tumaas […]

  • Chris Pratt Cast as the Iconic Super Mario in a new animated movie ‘MARIO’

    CHRIS Pratt will play Super Mario in a new animated movie, titled MARIO based on the iconic Nintendo video game character.     Video game movies have a long and largely disappointing track record, but that hasn’t stopped Hollywood from continuing to make them. The fortunes of video game movies have changed in recent years, with movies like Pokemon: […]

  • Volunteers, education grads, maaaring tumulong sa self-learning ng mga mag-aaral – DepEd

    Kinokonsidera ng Department of Education ang paghingi ng tulong sa mga volunteer at education graduates upang suportahan ang paghahatid ng quality education sa gitna ng coronavirus pandemic.   Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, bagamat naniniwala silang malaki ang papel na gagampanan ng mga magulan sa edukasyon ng kanilang mga anak sa ilalim ng […]